^
Marian ginagamit ng manloloko para makaharbat

Marian ginagamit ng manloloko para makaharbat

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa kabila talaga ng lahat ng mga pangyayari, may mga tao pa ring manloloko.

Kahapon ay nagbigay ng warning ang manager ni Marian Rivera na si Rams David matapos kumalat sa social media ang isang fake account gamit ang pangalan and photo ni Marian.

“Dahil sa hirap at sitwasyon ngayon dahil sa covid 19 at crisis pa legit po ito. Ngayun mamimigay kami kami ng tag 5k sa bawat isa sa inyu. Lagyan namin sa Palawan at sa GCash ninyu mamayang 8:00 p.m. ng gabi, pakibigay na lang dito complete detalye ninyu,” ng shout out ng nasabing account.

Gusto pang ipa-share ng kung sinumang nag-admin ng account na ‘yun dahil nanghihingi sila ng mga pangalan at account name.

Kaso mabilis na na-monitor ang fake account na Marian Rivera.

Naku wala na nga sigurong kaluluwa ang mga ganitong tao.

Kaya ‘wag basta-basta maniwala at magbigay ng pangalan / account details.

Mag-fact check palagi bago mag-share.

MARIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with