^
Kris pinakawalan noon ang pangungulit ng mga Korean producer
Kris

Kris pinakawalan noon ang pangungulit ng mga Korean producer

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2020 - 12:00am

Dahil nga gumagana nga ang aking wild imagination, naisip ko rin kung sakali at tinanggap noon ni Kris Aquino ang alok na TV at movie sa Korea, naiba kaya ang buhay niya lalo na ang colorful lovelife niya? Hahaha!

Kung sakali kaya, naging lover niya si Jo In-sung, Jang Hyuk at Song Joong-ki? Ang naging anak kaya niya sina Jin Young at Park Bo-gum?

Bongga ‘di ba? Sabi nga, isang twist of event lang ay puwede mabago iyong fate mo, ‘yung tatahakin mong path sa buhay mo.

That time, darling ng Koreans ang mother ni Kris na si tita Cory Aquino, kaya panay ang kulit ng mga producer na makuha siya to star in a movie at TV dahil sure raw na magugustuhan ito ng Koreans. Siguro nga it was not meant to be, kaya kahit tatlong beses bumalik dito iyon Koreans, hindi natuloy iyong deal.

Ayaw rin siguro ng guardian angels ko na magsabog ako ng lagim at kahihiyan sa Korea kaya heto ako addict na lang at watching ng mga Korean telenovela.

Ayuda…

Natuwa naman ako na napadalhan sina Belinda, Beth at Glenda ng relief package nina Cong. at Councilor Alfred at PM Vargas.

Medyo affected din sila dahil nga wala muna trabaho ngayon sa GMA kaya quarantine ang mga beauty nila na inggit na inggit kay Polin Pura na tatlong beses nang nahatiran ng ayuda, mula QC government.

Iyong lagay na iyon naka-make up pa si Polin pero mas mukha siyang urban poor kesa kina Belinda at Beth hahaha.

Talagang dito mo makikita kung paano magtrabaho ang barangay captain ng lugar n’yo, iyon talagang bantay sila sa dapat ibigay sa kanilang barangay.

Ganun na lang ang thank you nila kina Mayor Joy Belmonte at Alfred Vargas dahil nga naayudahan sila ngayong meron crisis. Bongga!

News anchors at reporters mas sikat ngayon

Ang mga most watched celebrities ngayon ay news anchors, journalists at reporters ng mga news program.

Halos araw-araw at sa mahabang oras mo sila napapanood. Ngayon din nga maririnig mo iyon mas gusto ko manood ng 24 Oras dahil kay Jessica Soho, o kaya TV Patrol dahil kay Bernadette Sembrano.

Nabibigyan na rin ng chance si Ian Cruz na mag-news, sina George Cariño. Bongga din si Arnold Clavio at Ivan Mayrina.

Ang ganda rin ni Vicky Morales. News ngayon ang tanging source natin para malaman ang mga nagaganap sa labas. Shining moments talaga nila ngayon kaya naman sila ang mga superstar ng covid 19 era hah hah.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with