_ngayon
^
Ice tini-train ang mga volunteer
Volunteers Corps Ph

Ice tini-train ang mga volunteer

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2020 - 12:00am

Hindi tumitigil ang grupong Volunteers Corps Ph na pinangungunahan ni Ice Seguerra sa pamimigay ng mga relief goods sa iba’t ibang barangay sa Metro Manila.

Pero natutuwa siyang ikinuwento sa amin sa radio program namin sa DZRH nung nakaraang Sabado ng gabi na lumalaki na ang grupo nila at umabot na raw hanggang Min­danao.

“Sa QC lang talaga dapat, kasi nga ang hirap lumabas sa ibang lugar eh. Pero ngayon nakaabot na tayo sa Mindanao, sa Lanao del Norte. May mga volunteers tayo dun eh.

“Sariling sikap din sila. Naghahanap sila ng mga donation. Nakailang barangay na rin daw sila, kaya nakakatuwa,” pahayag ni Ice.

Isa pala sa unang nagbigay ng donasyon sa kanila ay si Bela Padilla na nung nagsimula pa lang ang COVID-19 ay nakakalap na ang Kapamilya actress ng malaki-laking halaga, at ang Volunteers Corps Ph ang isa sa nabigyan niya.

Hindi natin alam kung hanggang kailan pa itong hirap na pinagdaanan natin, sanhi ng COVID-19 kaya tuluy-tuloy pa rin daw ang pangangalap nila ng donasyon.

“Mahirap na hindi ang paghanap ng donasyon, kasi ang daming gustong tumulong, kaso ang problema…kaya lang ang iba meron ding ibang sinusuportahan na group.

“Of course may mga na-encounter ako na nagsasabing pasensya na eto lang meron ako ngayon. Pero sa totoo lang, marami pa rin eh. May mga nagbibigay ng bigas.

“Nakakatuwa nga, kasi di ba may GCash ako? Natutuwa ako na minsan may pumapasok sa akin na 50 pesos. Alam mo yung…nagsasabi sila na alam namin na maliit ito, pero sana makatulong.

“Ako yung…more than anything, whatever it is, whatever the amount, nakikita mo talaga their willingness to help and sobrang nakakataba ng puso,” saad ni Ice.

Kaya lalong lumalaki itong grupo nilang Volunteers Corps Ph dahil may ibang grupo ring sumasali sa kanila na nakikipag-affiliate. “Ang goal kasi nito is to actually coordinate volunteers para hindi mahirapan sa mga next na deployment.

“Tapos magti-train din tayo ng mga volunteers para, we want to really professionalize volunteerism in the country para masasabi natin na ang mga volunteer natin may tamang training,” pahayag ng musician at dating Chairperson ng National Youth Commission.

Kaya gustong iparating ni Ice sa lahat na gustong mag-donate ng cash, puwede nilang i-deposit sa BDO Rescue Recon 1 Philippines, Inc. 0037-2007-2465, o sa BPI Current Account ni Cariza Seguerra 2020-001-15, o Landbank Savings account 0237-1793-58 o kaya sa GCash ni Cariza Seguerra 09175250303, o PayPal paypal.me/icedinoseg.

Mayor Lani mas mahigpit na

Talagang mahigpit na ipinatupad ni Mayor Lani Mercado ang social

distancing sa Bacoor, kaya nung araw ng palengke kahapon ay halos isang kilo­metro ang haba ng pila ng mga taong gustong mamalengke.

Sa ilang araw pa lang na ini-implement niya ang Clustered Palengke Day nakita naman ang malaking epekto sa pagbawas ng kaso ng COVID-19.

Ilang araw ding wala nang nadag­dag na nag-positive kaya sana sumunod lang daw ang lahat sa quarantine rules at pati sa social distancing.

Mabuti at sumusunod naman daw ang mga tao, kaya sana maging maayos lang kahit naghihintay talaga ng matagal.

Bukod sa pagpapatupad ng social distancing ay masaya ring ibinalita ni Mayor Lani na successful ang inilunsad nilang mass testing kamakailan lang at patuloy ang pagdarasal nilang lahat na walang may mag-positibo para ma-maintain ang ‘zero new case’ sa Lungsod ng Bacoor.

ICE SEGUERRA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with