Willie Revillame
STAR/ File
Willie ‘di makita at mayakap ang mga anak
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - April 19, 2020 - 12:00am

Napaiyak si Willie Revillame sa kanyang prog­ramang Wo­wowin na naging Tutok to Win nung nakaraang Biyernes ng gabi dahil sa ipinalabas nilang VTR na tribute sa ating frontliners.

Live na kasing napapanood si Willie simula pa nung nakaraang Lunes na kung saan siya lang ang mag-isang naghu-host at namimigay ng cash prizes sa mga manonood.

May kasama siyang banda, na may social distancing siyempre, naka-face shield pa at iilan lang ang staff na involved.

May guest siya paminsan-minsan na kumakanta kagaya nina Rita Daniela at Derrick Monasterio.

Nung Biyernes ay may inihanda silang VTR bilang pagsaludo sa ating frontliners at nung in-introduce ito ni Willie, sinabi pa niyang huwag munang umiyak at mabuting panooring mabuti ang VTR.

Compilation iyun ng mga video na naipu-post sa Facebook na mga frontliner na hindi makalapit sa kanilang anak.

Merong batang binalot muna ng plastic bago siya yumakap sa kanyang tatay na isang pulis. Kuha iyun hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa ibang bansa.

Sa ending ng video ay ipinakita ang mga litrato ng ilang frontliners na pumanaw dahil sa COVID-19.

Pagbalik kay Willie, umiiyak na ito. Matagal na nakayuko ang ulo at umiiyak hanggang sa nag-cue na lang siya ng commercial.

Pagbalik ay nagbigay siya ng mensahe sa mga manonood na sana sumunod na sa ipinapairal na Enhanced Community Quarantine at huwag nang maging pasaway. Napakalungkot po talaga na anak mo di mo mayakap. Mahirap po talaga ang pinagdaraanan natin, hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Sana ho makinig na tayo.

Bakit, kasi ang iba ang titigas ng ulo.

Masakit sa isang magulang na isipin niyo, binubuwis ang kanilang buhay para buhayin kayo,” bahagi ng mahaba niyang pahayag para sa mga manonood.

Nilinaw na rin ni Willie na kaya siya nag-live at nagpa-Tutok to Win para maiparating din niya ang tulong sa ating mga kababayan.

Napansin nga naming wala pa itong commercial, dahil hindi pa mabenta ng nasa marketing. Kaya pera raw niya ang inilabas para makapagpahatid lang ng tulong sa mga manonood.

Pera ko ito, binabalik ko sa mga taong nagmamahal sa amin.  Binibigay na lang para maging masaya kayo.

Sa ating mga kababayan na matitigas ang ulo, alam nyo tatagal to kung hindi kayo makinig. Sana magkaisa tayo. Hindi ko na nga nakikita ang mga anak ko. Hindi ko nakakausap. Pero ganun ang buhay eh,” saad ni Willie.

Alalay Kay Nanay tuluy-tuloy

Patuloy pa rin ang fund-raising ng mga Kapuso stars kagaya ng Project: Alalay Kay Nanay ng mga Kapuso young moms.

Ngayong araw naman ay tuloy pa rin ang fund-raising sa All-Out Sundays sa live streaming sa Facebook account ng GMA Network.

Bahagi ng pagbibigay pugay sa mga frontliner, puwedeng magpadala ang mga manonood ng picture o video ng frontliner na on duty na gusto niyong pasalamatan at ipagmalaki sa All-Out Sundays. Tutukan na lang ngayong alas-dose ng tanghali hanggang 2:30 ng hapon.

VTR WILLIE REVILLAME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with