^

PSN Showbiz

Kim worth half million ang birthday blowout!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kim worth half million ang birthday blowout!
Kim

Wow, worth P500k pala ang birthday blowout ni Kim Chiu sa frontline workers at ilang pamilyang nawalan ng trabaho.

‘Yup ito na raw ang celebration ni Kim sa kanyang birthday sa Sunday, April 19.

Para raw kay Kim, hindi na importante ang engrandeng celebration dahil sa health crisis. Mas importante raw ngayon ang makatulong sa mga kababayan natin at sa frontliners.

Anyway, bukod dito, birthday gift din ni Kim ang bago niyang kanta na ’Wag Kang Bumitaw  mula sa Star POP para sa mga pinanghihinaan ng loob.

“Months ago pa naming ginawa itong kanta pero parang nag-alangan ako na i-release siya,” sabi ni Kim sa isang interview.

Aniya, isang text message noong Biyernes Santo mula sa kaibigan niya na nagsabing malapit na siyang “bumitaw” ang nagpaalala sa kanya sa kanta.

“Sinabi ko sa sarili ko, ‘Parang meron akong kanta na tungkol sa hindi pagsuko.’ Pinakinggan ko ulit yung kanta tapos tinawagan ko yung producer ko si Rox Santos, tapos sinabi ko na ito na ‘yung tamang panahon para i-release ‘yung kanta,” dagdag niya.

Malayo sa mga tipikal na kantang inilalabas ni Kim ang ’Wag Kang Bumitaw na tungkol sa pagkapit at paniniwala sa plano ng Panginoon sa harap ng maraming pagsubok na kinakaharap sa buhay.

Sasabay sa birthday ni Kim tomorrow ang release nito at available ito sa digital streaming platforms. “Sana ma-inspire ‘yung mga tao sa kanta na ‘wag sumuko kahit sobrang hirap ng panahon ngayon. Mahirap ‘to pero ‘pag kasama mo ang Panginoon, matatapos din ang lahat ng ito. Manalig lang at ’Wag Kang Bumitaw,” paalala ni Kim.

Last March nang pagbabarilin ng black van ni Kim na suwerteng hindi siya tinamaan kahit isang bala.

Mistaken identity diumano at intented sa isa ng congressman ang nasabing mga bala.

Nag-pramis ang ate ni Kim na si Kam, na hinding-hindi na sila bibili ng black car.

Marami ring nag-alala kay Kim nang lumabas ang balitang infected ng covid-19 si Christopher de Leon na kasama nila sa Love Thy Woman.

Fourteen-day nag-self quarantine ang actress.

Happy birthday Kim.

ABS-CBN unang Pinoy page na naka-20 m likes sa FB

Umabot na pala sa higit 20 milyong likes ang Facebook page ng ABS-CBN. At ang nasabing network din ang pinakauna at tanging page na nalagpasan ang 20-milyon mark sa Facebook.

Patuloy nga kasing dumarami ang mga Pilipinong kumukuha ng impormasyon at aliw sa internet.

Bukod pa ito sa ABS-CBN News na may 18 milyong likes.

Sa YouTube, nangunguna rin sila kung saan mayroon itong 26.3 milyong subscribers at 35.1 bilyong views. Ito rin ang ika-13 na pinakapinanood na YouTube channel sa buong mundo noong Pebrero at ika-10 naman noong nagtapos ang 2019.

Bukod diyan, hawak din nila ang higit sa 40 channels na nakatanggap ng Gold at Silver YouTube Creator Awards, na binibigay ng YouTube sa mga channel na nakapagtala ng isang milyon at 100,000 subscribers.

Kabilang din sa mga sinusubaybayan nilang channels ay ang ABS-CBN News, na may 8.9 milyong subscribers at 5.9 bilyong views, Star Music (4.9 milyong subscribers),  Pinoy Big Brother (3.4 milyon), Star Cinema (2.6 milyon), The Voice Kids Philippines (2.38 milyon), at The Gold Squad (2 milyon).

Facebook and YouTube nga ang buhay ngayon ng karamihan dahil walang normal programming ang mga local network sa kasalukuyan.

Kaya ngayon ay meron na rin silang mga exclusive na palabas sa Facebook at YouTube tulad ng  Stay At Home Stories: Mga Kwento ng Taong Bahay,  Pinoy Big Brother: Stay At Home Edition at Ligtask para sa mga netizen na gustong maging “homemate.” Nagbabahagi rin ng exercise at dance routines sa ABS-CBN S+A na madaling gawin ngayong may quarantine.

Hanggang Apri 30 pa ang pinatutupad na Luzon-wide enhanced community quarantine.

 

 

 

vuukle comment

KIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with