You Changed my Life
Pelikula nila Sarah, Bea and John, showing ngayong Huwebes Santo
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2020 - 12:00am

Kasama ang hit movies ng Star Cinema sa Lenten programming ng ABS-CBN  at pinakabagong balita sa News Patrol mula ngayong Huwebes Santo (Abril 9) hanggang Sadado de Gloria (Abril 11). Ang  News Patrol ay isang 20-minute na newscast na magahatid ng bagong balita habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang buong bansa na tatagal hanggang April 30.

Samantala, kasama naman sa mga pelikulang mapapanood ang ngayong Huwebes Santo sina Laida Magtalas (Sarah Geronimo) at Miguel Montenegro (John Lloyd Cruz) na magpapakita ng tibay ng pagmamahalan sa kabila ng kanilang magkaibang mundo sa A Very Special Love (12 NN) at sequel nito na You Changed My Life (2 PM). Sa gabi naman, wagas na pag-ibig ang masasaksihan sa She’s Dating the Gangster (8 PM) na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Bukod dito, mapapanood din ngayong Huwebes Santo ang mga programang puno ng aral na Superbook (6 AM), Free Willy 3 (6:30 AM),  Your Name  (8 AM), The Chronicles of Narnia: The Lion, The Witch, and the Wardrobe (10 AM), Moments with Fr. Jerry (4 PM), The Lord’s Supper  (5 PM),  The Bible  (6 PM), Wonderful Nightmare (10 PM), at ang restored version ng Ibong Adarna (11:30 PM).

Sa Abril 10 (Biyernes), mapapanood naman ang tambalan nina Bea Alonzo at Aga Muhlach sa First Love (8 PM), samantalang magtuturo naman ng kabutihan sa Biyernes Santo ang mga programa at pelikulang Superbook  (6 AM), Mr. Popper’s Penguins (6:30 AM), The Chronicles of Narnia: Prince Caspian (10 AM), Seven Last Words (12 NN), Veneration of the Cross (3 PM), I Am Patrick (4 PM), The Bible (6 PM), Be With You (10:30 PM), at  Wonder (11:30 PM).

Pagdating naman ng Abril 11 (Sabado), muling mapapanood sa telebisyon sina Bea at John Lloyd sa Star Cinema blockbuster movie na One More Chance (12 NN) at A Second Chance (2 PM), samantalang pangarap at pagsasakripisyo naman ang ipapamalas sa Barcelona: A Love Untold  (7:30 PM) ng KathNiel.

BEA ALONZO SARAH GERONIMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with