Richard
Sa munisipyo nag-birthday Mayor Goma namigay ng tig-isang sakong bigas sa mga taga-Ormoc
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2020 - 12:00am

Kakaibang birthday celebration ang ginawa ng Ormoc City Mayor Richard Gomez na nagdiwang ng kanyang 54th birthday nung nakaraang Martes, April 7. Nasa tanggapan lang daw niya sa munisipyo sa Ormoc buong araw at pagdating ng gabi ay kasama lang niya ang pamilya, si Cong. Lucy Torres at ang anak nilang si Juliana na nag-bake ng cake para sa Daddy niya.

Natutuwa si Mayor Goma, dahil nai-enjoy daw ng anak niya ang   physical activities niya roon sa Ormoc at ang nakahiligan niyang pagbi-bake ng cake.

Nakapanayam ko ang actor/politician sa radio program ko sa DZRH kasama ang ka-PEP Troika kong sina Noel Ferrer at Jerry Olea.  Sabi nga ni Mayor Goma, sana nandun daw kami sa kaarawan niya dahil kung wala lang COVID-19, abala na siguro sila niyan sa paghahanda sa kanilang Piña Festival na ginagawa tuwing buwan ng Hunyo na kanselado na dahil kailangan daw nilang maging maingat sa pagkalat ng nakakatakot na virus na ito.

Hanggang ngayon ay zero pa ang COVID case sa Ormoc kaya nagiging maingat na sila ngayon.

Magmula nang dineklara ni Pres. Rodrigo Duterte ang Enhanced Community Quarantine sa Luzon, sinunod na rin daw nila ito, para kahit paano ay mapigilan nila ang pagkalat nito sa kanilang lungsod. Alam kasi namin na baka brand new pa ang mga taong papasok galing sa ibang lugar, we decided na mas maganda na ang makalabas at makapasok sa Ormoc are those residents of this city,” pakli ni Mayor Goma,

Kahit nga nung dumating si Cong. Lucy Torres nung March 15 ay sinabihan daw siya ni Mayor Goma na ideklarang PUM siya dahil nakadalo siya sa party ni Sen. Manny Pacquiao na dinaluhan din ng COVID positive na si Sen. Koko Pimentel. Nung dumating si Lucy from Manila, sabi nga niya galing siya sa party ni Manny Pacquiao. And that was March 5, tapos na yung Congress nila, umuwi si Cong. Lucy dito sa Ormoc, March 15. So ang tagal niyang nag-quarantine sa bahay, in fact hindi lang 14 days, ginawa niyang 18 days.

Dun lang siya sa bahay, most of the time dun siya sa kuwarto.

Kasi kung nagkataon na tinamaan si Lucy ng COVID, eh kasama ako dun sa kuwarto, eh pati ako matatamaan, hindi ko magagawa ang trabaho ko dito as Mayor,” kuwento ng Ormoc City Mayor.

She was worried for awhile. Nung time nga nang umuwi siya dito, sa airport pa lang sabi ko you have to declare yourself as a PUM, dahil galing siya sa COVID affected area,” dagdag niyang pahayag.

Sabi nga ni Mayor Goma, ang dami raw niyang na-realize dito sa pinagdaanan nating COVID-19. Hindi pala madali na ma-quarantine nang matagal sa loob ng bahay. Hindi mo rin masisisi kung minsan na ang mga taong lumabas ng bahay, pero nevertheless kailangan pa rin silang pagsabihan na doon lang sila sa loob lalung-lalo na ang mga senior citizen saka ‘yung mga bata. They have to be confined inside their homes no?

Isa pa sa na-realize ko, you always have to look to the brighter side of life. You have to think na nandun tayo sa loob ng bahay, but it’s a nice time to bond with your family. To do activities with your family, to be able to talk, spend a lot of time together,” saad ni Mayor Goma.

Sa ngayon ay patuloy lang siya sa pag-monitor sa lahat na mga constituent niya sa Ormoc, at dahil nga sa naka-quarantine na lahat at limitado ang pagkilos ng mga tao, nagmigay na raw siya ng tig-isang sakong bigas sa bawat tahanan sa Ormoc.

Ang ginagawa namin dito, yung kaya namin binibigay, iyun ang binibigay namin sa kanila.

Binibigay namin sa kanila na guidance na stay at home. Wash your hands all the time. Gumamit ng face mask, tapos hinahanda na rin namin na kung sakaling magkaroon na rin dito, meron na kaming isolation area at para iyung mga galing sa labas na uuwi dito na under monitoring sila o investigation, meron na silang isolation area para sa kanila,” saad ni Mayor Richard Gomez.

RICHARD GOMEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with