Sanitizing Tent
Sanitizing tent na bigay ng mga Villar, maraming nakikinabang
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2020 - 12:00am

Bongga pala iyon mga sanitizing tent na donated ng mga Villar sa almost 10 hospitals.

Imagine na nagagamit ngayon ng mga hospital ang binigay ng mga Villar, na maganda siguro dahil talagang masa-sanitize iyon mga pumapasok sa hospital.

At sa rami nga ng nag-donate ng PPEs at mask, ito na nga sigurong misting station ang ginagamit para disenfect mga tao pumapasok sa hospital .

Salamat sa mga Villar, ex senator Manny, Sen. Cynthia at Congw. Camille Villar sa napaka-importanteng bagay na ito ngayong panahon ng covid 19.

Talagang kailangan natin ngayon maging matalino sa mga bagay na binibigay natin para magamit to fight against covid 19.

Mas maraming nagdo-donate mas mabuti dahil talagang ang daming pangangailangan sa hinaharap nating krisis sa kasalukuyan.

Graduates ng TESDA pinagagawa ng mga mask

Ang ganda rin ng idea ni Papa Albee Benitez.

Ngayon halos buong mundo ang may kailangan ng face mask ito raw ang dapat gawin ng mga TESDA graduates.

Oo nga naman, halos lahat naghahanap ng mask at may shortage na nga, malay natin tayo pa maging supplier sa ibang bansa.

Brilliant idea from Papa Albee dahil habang lockdown at walang ginagawa ang mga graduate ng TESDA ito na ang harapin nila, isang bagong hanapbuhay. Saka baka gawin na ring mandatory ang pagsusuot ng face mask lalo na at na-discover na puwede airborne ang corona virus kaya mas malaki ang magiging demand nito.

Ang mawawalan ng trabaho ay make up artists hah haha, dahil meron nang face mask wah na lagay make up sa face. At knowing kalandian ng marami, sure ako iba’t ibang design ng face mask ang lalabas, meron beaded, colorful, tricolor, personal designs, iba iba hah hah. Face mask is life na nga.

PPE TESDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with