Iza
Boyet at Iza handang mag- donate ng dugo
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - April 8, 2020 - 12:00am

Willing sina Christopher de Leon at Iza Calzado na mag-donate sila ng kanilang plasma o dugo para sa mga COVID patient.

Nanawagan kasi ang mga Philippine General Hospital sa mga COVID-19 survivor na kung puwede silang mag-donate ng kanilang dugo para sa mga pasyenteng malala na ang kalagayan dahil sa naturang sakit. Experimental treatment pa lang naman daw ito, pero sinasabi na ngang ang dugo nila ay may antibodies laban  sa COVID-19.

Sabi naman ni Christopher, willing daw siyang mag-donate kung puwede na siya. May ilang grupo na raw nakipag-coordinate sa aktor at umokay daw ito na tumulong kahit sa anong paraan.

Pero may hinihintay pa na ilang araw bago siya makapag-donate ng plasma o ng dugo niya. Kailangan pa rin daw muna ni Boyet na magpahinga, kaya isa sa pinagkakaabalahan nila ni Sandy ay makipag-video call sa mga anak nila sa Amerika.

Si Iza naman ay kaagad ding nag-oo na mag-donate ng dugo niya kung kinakailangan na. Negative siya uli sa pangalawang test s COVID-19 kaya okay na okay na raw siya at masasabing out of danger.

poorest of the poor ang kumakalam ang sikmura. Dapat lahat ng wala nang makain maabutan ng tulong,” paliwanag ng Senador.

CHRISTOPHER DE LEON IZA CALZADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with