Mr. Fu, Lolit and Cristy
TIPMMG babawi sa ‘virus’
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - April 8, 2020 - 12:00am

Isang buwan nang wala tayong Take It... Per Minute! (Me Ganun) Salve.

Miss na miss ko na sila Tina, Japs, PJ at Richie. Looking forward na ako sa mga lutong bahay na kinakain natin sa Obra ni Nanay.

Mukhang magtatagal pa dahil nga lomobo pa ang affected ng virus at mukhang iyon mga pasaway ay ayaw pa rin matuto kaya dapat talaga mas higpitan pa ang lockdown.

Ang dami nang ginawang lugar para sa quarantine ng mga merong hinihinala na tinamaan, umpisa na rin ng mass testing kaya sana nga humupa na para ma-lift na o ‘di man complete lifting ay magkaroon ng mga lugar na walang lockdown.

Naku naman sige na, sumunod na tayo, bahay muna tayo , walang labasan, konting araw pa.

Basta promise, pag air namin uli ng Take It... Per Minute (Me Ganun) lagot sa amin iyan si coronavirus, lahat ng sekreto niya ilabas namin, hindi namin siya tatantanan, lagot siya sa amin ni Cristy at Mr. Fu, promise.

Hahaha.

Konting sakripisyo pa...

Aprubado na nga ni President Duterte ang extended na enhanced community quarantine sa Luzon.

Lalo pa ngayon na dumarami pa ang nagkakasakit at pinagbibintangan na baka affected ng virus. Sana naman tuloy lang ang supply ng pagkain at tama na huwag madaliin kung nandiyan pa ang danger na mas marami ang baka tamaan ng virus.

Ok naman ang patakbo ng gobyerno, ok din ang mga tulong na natatanggap, basta tuluy-tuloy lang makakaraos naman ang lahat.

Konting sakripisyo pa, para tiyak natin na wala na iyon danger pag lifted na ang lockdown. We should trust our leaders, they will pave the way, para hindi tayo mahirapan.

Mga alaga ng PAMI nagpakita ng suporta sa frontliners!

Maganda iyon move ng PAMI (professional Artists Managers Inc.) na ang talents na hawak nila ay gumawa ng video for the frontliners.

Kahit sabihin mo na isa itong video lang, meron naman itong kurot sa puso dahil pinaglaanan ng oras at panahon ng stars at singers nila.

‘Love it na meron ganito, kusang loob ang mga talent ng mga PAMI member. Kasi nga patunay na lahat ng sektor nagbubuklod at hawak-kamay para sa laban against covid 19. Isang step sa effort para pasalamatan ang ating mga bayani.

Salute PAMI, very relevant talaga.

CRISTY FERMIN LOLIT SOLIS MR. FU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with