Fashionable at Money Heist PPEs nagpapasaya sa frontliners
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 7, 2020 - 12:00am

Ang gaganda na ng mga PPE (personal protective equipments) para sa mga frontline workers natin na naglalabasan lately. Fashionable. Naunang namigay ng bright color PPEs ang Kamiseta apparel ni Ms. Cris Roque. “@kamisetaph’s fashionable PPEs follow strict medical standards because there is a certain protocol to follow to ensure the protection of our frontliners. We made sure that each set was made perfectly and with love. They come in bright colors to bring joy and light to our heroes and lift their spirits during this time,” ang banggit ni Ms. Cris tungkol sa idinonate niyang PPEs sa kanyang Facebook account.

Marami ring natuwa sa Money Heist-inspired PPEs na gawa ng designer from Iloilo na si Ram Silva. Ang worry lang ng ibang netizens sa nasabing outfit, baka magulat  ang ibang covid-19 patients pag nakita ang mga doctor and nurses na naka-Money Heist PPEs na hindi familiar sa nasabing popular Spanish series sa Netflix. But, in all fairness, ang ganda ng dating. Actually, kahit mga namamalengke, nagsusuot na rin ng mask ng Money Heist para nga maprotektahan ang kanilang sarili sa mga droplet na siyang nanghahawa ng virus.

Ang Money Heist ay story ng walong robbers led by a professor. Nasa season 4 na ito at maraming adik sa kuwento nito.

 

MONEY HEIST PPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with