^

PSN Showbiz

Holy week 2020, hindi maliliimutan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Holy week 2020, hindi maliliimutan!
Holy week 2020

Alam mo ba Salve, dalawa sa paborito kong araw ang Palm at Easter Sunday nung pang bata pa ako. Kasi ‘di ba parang fiesta ang two days na iyon.

Ang ganda-gandang tingnan ng mga palaspas na dala-dala ng mga magsisimba na winawagayway kapag Palm Sunday. Iyon Easter Sunday naman ay talagang parang Pasko dahil buhay na si Jesus.

Dalawang Linggo iyon na nung mga bata pa tayo ay we really enjoy dahil start at ending ng Holy Week.

But now, dahil sa lockdown, iba ang na­ging celebration nito.

Talaga nga na in a flick of a finger nababago ang lahat. Now more than ever naniwala ako na talaga wala kang kasiguruhan sa bukas, na totoo you should only live for today because you never know what tomorrow can bring.

Mga mapag samantala, umeeksena pa!

Alarming iyon napanood ko sa 24 Oras ha. Iyong ipinamigay na bigas na bulok sa isang probinsiya, may bukbok at hindi na puwedeng iluto na binili raw ng mga taga-Barangay sa halagang 850 pesos pero pinalagay sa resibo 2K sabi nang binilhan ng bigas.

Mukha ngang mga lumang supply na ang mga binibili dahil nga kailangan ng lahat halos lahat ng Barangay dahil sa relief goods.

At dahil para mas mapabilis, sa mga Barangay na binibigay ang pera para sila ang mag-ayos at mag-distribute na obivously iyong iba ay gustong magsamantala.

Hindi mo na alam kung ano ang mga nangyayari pero hindi kaya alam ng mga taong ito na madaling mahuhuli sa mga panahong ito ang mga nanloloko dahil open na open ang media. Madaling magreklamo at madali mahuli ang gagawa ng kapalpakan at kabulastugan

Dahil sa halos lahat ng items tulad ng bigas, noodles at sardinas, hakot na binibili, suwerte ang mga nagtitinda nito. Puwedeng ilusot ang lumang stocks, expired na delata, mag-overprice dahil sobra ang demands pero in the end, mahuhuli ka rin dahil sure na mayroong magrereklamo.

Dapat talaga after this, magkaroon ng investigation at iyon mga guilty kundi konsensiya ang maghatol ay dalhin sa korte.

Magulo na, ginugulo pa. Tunay ka nga, kahit si coronavirus hindi kaya iyon mga utak biya na nagsasamantala.

vuukle comment

HOLY WEEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with