^

PSN Showbiz

Gerald, nagpapaka-productive sa community quarantine

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Gerald, nagpapaka-productive sa community quarantine
Gerald

Bilib na bilib sa frontliners...

Isa si Gerald Anderson sa mga artistang aktibong tumutulong sa mga nanga­ngailangan ngayong may krisis sa bansa dahil sa coronavirus disease 2019.

Malaki ang paghanga ng aktor sa mga tinatawag na frontliners na patuloy na nagsisilbi sa kanya-kanyang trabaho upang makapaglingkod sa mamamayan.

Kapag nagtapos ang problema sa covid-19 ay talagang magbibigay-pugay daw ang binata sa frontliners. “Ang pinakauna kong gagawin sana talaga, gusto ko sana ma-celebrate natin ‘yung frontliners. Sana huwag nating kalimutan ‘yung nagawa nila, ‘yung hindi nila nakasama ang pamilya nila.

“Exposed sila sa virus at ginagawa pa rin nila ang best nila para pagalingin ang may covid-19 at para magbantay sa checkpoint. Sana maka­gawa tayo ng something para makapagbigay-pugay at celebration sa kanila. Siguro sa buhay ko, babalik na sa normal, back to taping. Huwag nating sayangin ang nagawa natin sa mundo at nakahinga siya ng konti. Ako naniniwala ako na kailangan nating alagaan ang mundo na natin talaga,” makahulugang pahayag ni Gerald.

Kahit personal na pumupunta sa iba’t ibang lugar upang mamahagi ng mga pagkain at iba pang tulong ay sinisiguro naman ng aktor na maayos pa rin ang kanyang kalagayan. “Napakaliit na bagay ‘yon kumpara sa ginagawa nila (frontliners) para sa atin na ginagawa nila sa araw-araw. Nasa checkpoint, nasa ospital, lahat ng nurses, doctors. Ayos naman, maayos naman lahat, safe. Trying maging productive pa rin kahit paano kaya nakapagsisingit ako ng workout,” pagbabahagi ng binata.

Bossing Vic: ‘Tigilan muna ‘yung pulitika!’

Proud na proud si Vic Sotto para sa lahat ng mga ginagawa ng anak nila ni Coney Reyes na si Vico Sotto bilang Mayor ng Pasig.

Sa panayam ng aktor sa DZRH kamakailan ay walang pagsidlan ang kanyang kaligayahan dahil sa pagiging matulungin ng Alkalde sa mga nasasakupan nito. “I think he’s doing his job. ‘Yon ang ipinangako niya sa kanyang mga constituent na alagaan sila, and he’s doing a good job. Of course proud ako na he’s doing a good job pero sabi ko nga hindi lang naman siya, pati ‘yung ibang mga ating namumuno sa bansa. Talagang ‘pag sama-sama, may bayanihan, kakayanin ‘to,” paglalahad ni Vic.

Kahit maraming mga kababayan ang pumupuri sa lahat ng ginagawa ni Mayor Vico sa Pasig ay mayroon din namang ibang hindi sumasang-ayon sa ilang gawain nito sa gitna ng krisis na dala ng covid-19. “May nadinig akong interview sa kanya, maganda ‘yung sinabi niya na dapat wala nang kumpara-kumpara. Ako, personal dapat tigilan muna ‘yung pulitika. Wala muna ‘yung pulitikahan. Isipin na lang natin kung paano tayo makakatulong sa kapwa,” pakiusap ni Vic. (Reports from JCC)

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with