^

PSN Showbiz

Sen. Manny saganang-sagana na ang oras sa pamilya!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Sen. Manny saganang-sagana na ang oras sa pamilya!
Sen Manny at anak

Dalawang mahahalagang trabaho ang pinagkakaabalahan ngayon ni Senador Manny Pacquiao habang nakapailalim tayo sa enhanced community quarantine.

Abala siya at ang kanyang staff sa pag-aasikaso sa mga tulong na maaari niyang maibigay para sa ating mga kababayan lalo sa kanilang siyudad sa GenSan.

Nagtatrabaho siya sa bahay, hindi siya basta kain-tulog lang, kailan lang ay dumating na ang napakalaking donasyon ng kanyang bilyonaryong kaibigan para sa ating mga frontliners.

Kung paramihan ng mahihingiang kaibigan para sumuporta ang pag-uusapan ay napaka­yaman ni Pacman. ‘Yun ang mga kilalang negosyanteng sumusuporta rin sa lahat ng kanyang mga laban.

Mula sa iba-ibang bansa ang mga puwedeng hingan ng tulong ng Pambansang Kamao, ang problema nga lang ay pangbuong mundo ang COVID-19, kaya nahihiya siyang magsalita.

Nu’ng isang araw lang ay natutukan namin sa CNN ang mga nagaganap sa Amerika. Ang East Coast ang talagang sinentruhan ng corona virus. Hindi lang sa New York mataas ang bilang ng mga apektado ng virus at namamatay.

Sa New Jersey ay ganu’n din at isang nursing home sa Maryland ang natuklasang sunud-sunod na pumapanaw ang mga nag-aalaga sa mga Amerikanong iniiwan ng kanilang mga pamilya para du’n na ipakupkop.

Ang kaibigan naming si Vangie Caperal Aleemi na ilang dekada nang naninirahan sa Virginia ay windang na windang ngayon. Inaalala na nito ang kanyang pamilya dito sa atin ay may kapatid pa rin ang aming kaibigan sa Australia, full lockdown din sa Virginia, kaya kalat na kalat ang kanyang isip.

“Virginia is like a ghost town now. Grabe ang tension namin, walang puwedeng lumabas ng bahay, dasal na lang kami nang dasal.

“May pamilya ako dito, nand’yan din sa Pinas ang pamilya ko, may kapatid pa ako sa iba-ibang bansa, napakahirap!” emosyonal na kuwento ng aming kaibigan.

Hindi rin pinababayaan ni Senador Manny ang kanyang pag-eensayo. May inaasahan siyang laban sa mga darating na buwan at mahirap na nga namang hindi siya handa sa isang panibagong pakikipagtuos sa lona.

Hindi na niya kailangang lumabas, kumpleto sa mga kagamitan ang kanyang gym sa bahay, lakas ng katawan ang kanyang puhunan sa pakikipagsalpukan kaya kailangan niya talagang ikundisyon ang kanyang sarili.

Dati ay tanong nang tanong ang kanyang mga anak na babae kung kailan sila makapag-bonding ng buong pamilya. Sobrang abala nga naman ang kanilang ama sa Senado, sa paglilingkod sa ating bayan, kaya ang pagsasama-sama ay laging pinananabikan ng kanilang mga anak ni Jinkee.

Ngayon ay saganang-sagana ang kanilang panahon. Walang opisina ang kanilang daddy at kanselado rin ang pasok ng mga estudyante.

Kanilang-kanila lang ang panahon ngayon sa bahay, lalo na’t sinusunod nila ang panawagan ng DOH at ng ating pamahalaan, sa kabila ng mga nagaganap ay masayang-masaya ang magkakapatid dahil sa katuparan ng kanilang hiling na magkasama-sama ang buong pamilya.

Kakuwnetuhan namin ang isang kaibigan naming psychologist, napagtuunan namin ng pansin ang mga kababayan nating hirap na hirap na ngayon sa kanilang sitwasyon, lalo na ang mga arawan lang ang kinikita na pinagbawalang magtrabaho.

Tama ang kanyang pananaw na hindi lang kalam ng sikmura ang kailangang pagtuunan ngayon ng ating mga tagapamuno kundi pati ang estado ng kanilang pag-iisip.

Kung ikaw nga naman ay isang padre de pamilya na hindi pa nga sumasapat ang kinikita sa maraming bibig na umaasa sa kanya ay ano ang gagawin mo kapag ganitong naka-lockdown ang ating bayan?

Walang trabaho, walang kinikita, pero kailangan pa rin nilang mabuhay. Kapag patuloy ang pagkagutom, kapag wala nang malapitan ang padre de pamilya para makahanap ng panglaman sa bituka ng mga umaasa sa kanya, ay siguradong iba na ang kanyang naiisip.

Sensitibo kasi ang panahon ngayon na bawal ang pagsasama-sama ng mga kababayan natin sa isang lugar lang pero kailangang-kailangan nila ang paggabay sa mga ganitong panahon.

Ayon sa kaibigan naming doktor ay ngayon higit na kailangan ng mga inaatake ng depresyon ang palagiang kausap. Kailangang mapagpayuhan silang kumalma, huwag bibitiw sa laban, kailangang positibo lang ang kanilang pananaw sa kabila ng indultong kinakaharap natin ngayon.

Nakakalungkot.

vuukle comment

MANNY PACQUAIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with