Dahlia Amélie
Little Dyosa ni Anne, umani agad ng milyones sa IG
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 4, 2020 - 12:00am

One month na pala since manganak si Anne Curtis. At kahapon, pinasilip na niya ang baby nila ni Erwan Heussaff. Kasalukuyan pa silang nasa Australia.

More than 1 million na ang likes ang photo ni Dahlia Amélie kahapon nang silipin namin at santambak na congatulatory messages ang agad na natanggap ng Little Dyosa.

“Yesterday, we celebrated her 1st month of life. We love you our little Dahlia Amélie. Hoping this brings a smile to your face today,” ang buong caption ni Anne sa photo ni baby Dahlia.

Sa Australia nanganak si Anne.

Ayon sa online reports, nag-uumpisa nang ma-flatten ang curve sa Australia kaya safe na safe ang pamilya ni Anne sa nasabing bansa.

Nagkaroon ang Australia ng 5,200 infections at may 25 deaths sila ayon sa report ng nypost.com.

Mga nagdo-donate, kinatatakutang magkaroon ng fatigue

Sana naman ay ‘wag magkaroon ng donation fatigue ang mga mabubuting tao na tumutulong ngayon sa pinagdaraanang krisis ng ating bansa.

Touching na gumagalaw talaga ang lahat ng mga malalaking negosyante, celebrities at marami pang ibang personalities para matulungan ang frontliners, mga nagka-covid at mga naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine.

Ang dami talaga, kung babasahin mo sa social media, over whelming ang ginagawa nila.

Sana ‘wag silang mapagod hanggang matapos ang krisis ng coronavirus sa bansa.

DAHLIA AMéLIE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with