PBB stay at home binuksan ni Kuya
Kim
PBB stay at home binuksan ni Kuya
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 4, 2020 - 12:00am

Ayun magkakaroon na ng pagkakataon ang netizens na maging housemates ni Kuya kahit mula lamang sa kani-kanilang bahay sa pagbubukas ng Pinoy Big Brother: Stay At Home Edition na layuning ipakita ang kahalagahan ng pananatili sa mga tahanan upang makatulong sa pagpuksa sa COVID-19.

Iba’t-ibang “Ligtasks” para sa mga “homemates” ang manggagaling mismo kay Kuya araw-araw na ipo-post sa “PBB” Facebook page (fb.com/PBBabscbntv).

Para makasali, kailangan lamang mag-send ng entry sa comment section ng naturang Ligtask post at gamitin ang hashtag of the day. Ang mapipiling entry ay magkakaroon ng pagkakataon ma-feature sa “PBB” Facebook page.

Noong Lunes (Marso 30), ibinigay na ni Kuya ang kanyang unang Ligtask: gumawa ng isang malikhaing video na sinasabi ang pangako na “Ako’y isang stay at homemate, at mananatili ako sa loob ng aking bahay!” Ang napiling “stay at homemate of the day” ay si Joshua Caingcoy na ginawa ang task gamit ang kayang talento sa pagiging puppeteer.

Bukod sa Ligtasks, may iba pang handog si Kuya sa kanyang homemates gaya ng “Online Confession Room,” kung saan magbibigay ng sari-saring tanong si Kuya sa netizens at maaari itong sagutin sa pag-comment sa naturang post, at “Online Tambayan” naman, kung saan makakausap ng fans ang mga paborito nilang ex-housemates o “PBB” hosts mismo sa kanilang mga tahanan.

Samantala, ang “PBB: Stay At Home Edition” ay naging pagkakataon din ni Kuya para muling makakwentuhan ang kanyang dating housemates na sina Kim Chiu, Seth Fedelin, Robi Domingo, Yamyam Gucong, at Maymay Entrata nang sorpresahin niya ang mga ito sa isang video chat at bigyan ng big four tips para makaiwas sa COVID-19.

KIM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with