Heart
Heart pumalag sa mga umuulit humingi ng tulong
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 4, 2020 - 12:00am

Bongga si Heart Evangelista. Umabot na sa higit one million views ang TikTok video ng Kapuso star sa loob lamang ng isang araw.

Nakakatawa na ipinakita ng aktres dito kung paano niya inaaliw ang sarili habang naka-quarantine sa bahay.

Sa iba’t ibang OOTDs, eleganteng gumawa ng gawaing-bahay si Heart katulad ng pagwawalis, paglalaba, at pag-aayos ng kama.

Hinangaan ng netizens ang pagiging creative niya at sa pagpapalaganap ng good vibes lalo na sa panahon ngayon.

Samantala, bukod sa mga paandar sa TikTok, tumutulong din sa maraming paraan si Heart para sa mga apektado ng global pandemic na COVID-19. Nangangalap siya ng mga donasyon para makapagbigay ng PPEs sa mga frontliners na higit na nangangailangan nito. Gamit din ang kaniyang social media pages, personal na kinakausap ni Heart ang mga dumudulog sa kanya.

Pero umapela si Heart na maging honest ang mga nanghihingi ng tulong sa kanya. Dama raw niya kung sino ang umuulit na kahit alam niya ay pinagbibigyan niya.

“Please be honest with me :( I just wanna help as much as I can ...give chance to others. I still sent help 2x kahit alam ko you’re the same person knowing you might just be in a bad place . But I know.”

Actually ‘yan ang problema. Tinutulungan mo na, nang-iisa pa.

Hay.  

 

 

 

 

HEART
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with