Maraming Pinoy expert na sa virus
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - April 4, 2020 - 12:00am

Hay naku dapat nga siguro medyo bawasan ko na ang panonood ng news. Halos lahat ng news tungkol sa COVID-19 napanood ko na kasi. Parang puwede na nga akong maging expert sa issue dahil araw-araw iyon mga balita na maririnig at napapanood ko at sigurado kayo rin. Para tuloy pag natapos ito lahat tayo may knowledge na tungkol dito, dahil front, back at two sides pinag-usapan na.

Longest running story siya, bugbog sarado sa pag-analyze, pag ‘di pa naman nakita cure dito ewan ko na.

Tiyak na malapit na, dami nang experiment na ginagawa all over the world, at bingo, magagawa na siya, sure ako.

‘Virus ka lang, may puso kami’

Hay naku talagang magiging ‘Gatecrashing on You’  ang drama ko pag natapos ang quarantine at lockdown. Na-miss ko sobra iyong tsismisan, chikahan, harutan period ng mga showbiz writer.

Hitsurang hindi ako invited pero attend ako ng presscon at mga lunch at merienda na mababalitaan ko. Hitsurang maging nightmare ako ng mga PR ng mga project na may presscon, hahaha.

Ako ang magiging dakilang gatecrasher ng taon. Gatecrashing on You talaga magiging role ko.

Imagine one month hindi natin nakita ang isa’t isa. One whole month na walang happenings.

Buti na lang nag-last lunch date pa tayo nila Pat P. Daza at mama Marivic, Gorgy, tapos kinabukasan, quarantine na.

Grabe talaga, parang panaginip ang lahat, nung una ayaw mo maniwala, tapos ito, reality na, at sana matapos na ngayong April at wala na sanang extension.

We are doing ok compared sa ibang bansa. Marami pa ring pasaway pero hindi naman ganun kalubha. Pero mas maganda sana na mas konti pa at talagang sumunod na sa utos. Hay naku, corona, virus ka lang, tao kami, may utak at puso. We will win. Fighting.

Itlog at saging ‘di dapat pintasan

Isa pang kapalpakan na hindi kasalanan ng mga inaakusahan ngayon ng mga basher ay iyong itlog at saging na ipinamigay daw ng mga Villar. Actually meron pang mamon at juice na kasama ito.

Donation iyon sa mga Villar, itlog, saging, mamon at juice. Nung una nga ang saya ng mga Villar na tumanggap ng donasyon dahil at least naiiba ito sa mga noodles at sardinas, mas healthy alternative para sa merienda.

Ang instruction, ibigay ito bilang merienda sa lahat, frontliners, sa checkpoints, sa mga kailangan ang pagkain. So ano ang mali? Ang paglalagay ng pangalan nina Senator Manny, Cynthia at Camille Villar. Pero bakit inilagay ng mga nag-distribute? Dahil nga sa rami ng ipinamimigay na pagkain ngayon sa lahat, dapat din siguro alam mo kung saan galing iyon kinakain mo, iyong pag-iingat din na baka may mali sa ibinigay mo ay alam nila ang sasabihin kung sino nagbigay.

Good ang motibo, magbigay ng healthy merienda, pero bakit pinipintasan? Sa panahon ngayon, di ba lahat dapat na lang pasalamatan natin dahil buhay pa tayo? Bakit pati iyon magandang ginagawa para sa atin mamasamain pa natin at pipintasan? Itapon na natin iyong kanegahan natin. Huwag na tayo sumabay sa COVID-19.

VIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with