Cogie
Cogie consistent sa pagiging walang disiplina!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - April 4, 2020 - 12:00am

Kungdi pa nagkaroon ng enhanced community quarantine ay hindi pa matitigil sa kanilang bahay si Cogie Domingo. Maraming nunal sa talampakan ang guwapong aktor, hindi siya mapakali sa isang lugar, palagi siyang nag-iikot sa kung saan-saan.

Mas nakakapangamba ang kanyang pagiging gala dahil nakamotorsiklo lang siya. Madalas namin siyang sabihan na kung ang kotse nga na may apat na gulong ay nadidisgrasya, ang motor pa kaya na dadalawa lang ang gulong ang hindi nakakatakot, palaging ngiti lang ang kanyang tugon.

Kung ang kasipagan niya sa paglalagi sa kalye ay iniaplay ni Cogie sa pagtatrabaho, sana’y kapaki-pakinabang ang kanyang dibersiyon, pero hindi nga ngau’n ang nangyayari.

Ilang beses na namin siyang tinayaan sa mga direktor at talent coordinator, pero palagi kaming napapahiya, sobrang late na siyang dumarating sa taping o shooting.

Ang dami-dami niyang dahilan. Kesyo sobrang trapik, na kung umaalis sana siya nang maaga sa kanilang bahay ay walang problema, baka mauna pa nga siya sa generator ng produksiyon.

Kesyo hindi raw niya mahanap ang lugar ng location, samantalang detalyado namang nakasulat ‘yun sa script na ipinadadala sa kanya, kapag ayaw talaga ay maraming dahilan pero kapag gusto ay palaging may paraan.

Hinayang na hinayang kami sa talentong meron si Cogie. Kung itsura ang pagbabasihan ay isa siya sa pinakaguwapong personalidad, hindi rin kuwestiyonable ang kanyang pag-arte, sa unang pelikula pa lang niyang Deathrow ay pinuri na siya ng mga kritiko.

Nasa kanya na lang talaga ang problema. Sayang lang ang mamahalin niyang relo dahil mukhang hindi naman siya tumitingin sa oras.

Nandu’n na ang lahat sa set, sasalang na lang siya, inaantok na ang kanyang mga kaeksena ay wala pa rin si Cogie. Kulang na kulang siya sa disiplina, palibhasa’y hindi niya natikmang maghirap, kaya balewala sa kanya ang mga nasasayang na panahon na dapat ay kumikita siya.

ECQ lang pala ang makapagpapatigil sa kanya sa bahay. Wala siyang choice kundi ang sumunod dahil kapag nagmotor pa siya nang nagmotor nang wala namang mahalagang dahilan ay siguradong huhulihin siya.

Pero bakit nga ba sa kabila ng kinaiinisan naming kawalan ng propesyonalismo ni Cogie Domingo ay mahal pa rin namin siya?

Ihinihiwalay kasi namin ang kanyang pagiging aktor sa pagiging tao. Ibang-iba siya, wala kang maipipintas sa kanya sa aspeto ng pagrespeto, para rin siyang lastikong puwedeng isama sa mga yayamanin pero nakakasabay rin siya sa maliliit.

Siya lang ang artistang narinig naming nangangantiyaw sa mga reporters na malalapit sa kanya sa pabirong paraan. Sasabihin niya, “Uy, kumusta na kayo, mga bakla?”

Sa halip na mainis ay aliw na aliw pa sa kanya ang mga manunulat, love nila si Cogie, dahil napakatotoong tao raw.

Hindi rin namin ipagpapalit kahit kanino ang pagiging maalalahanin ng aktor na ito. Palagi siyang may panahon para mangumusta, hindi uso sa kanya ang dahilan na kaya hindi siya nakapagte-text ay dahil wala siyang load, wala sa kanyang bokabularyo ‘yun.

Isang-isa lang ang hiling namin. Ang sana, isang araw, ay magising sa katotohanan si Cogie Domingo na ang panahong lumilipas ay hindi na uli babalik.

Karirin na sana niya ang kanyang propesyon, milyun-milyong kababayan natin ang pumipila sa pagkahaba-habang audition para lang makapag-artista, hawak na niya ang oportunidad kaya sana’y huwag na niyang sayangin pa.

Magaling nga siyang umarte, guwapo nga siya, pero kung ganu’n naman katindi ang kawalan niya ng disiplina sa oras ay walang mangyayari sa kanya.

Sayang na sayang si Cogie Domingo. Sayang ang kanyang talento at kakisigan. Hindi niya ‘yun pinakikinabangan sa mundong pinasok niya na hindi basta sapat ang may itsura lang at may alam sa pag-arte.

Sana, pagkatapos ng enhanced community quarantine, ay magbago na ang kanyang pananaw sa buhay at karera niya. Ang pagkaburyong sana niya sa bahay lang ngayon ay magkaroon ng positibong resulta sa kanya.

Harinawa!!!!

COGIE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with