Freelance talent ng GMA, nai-cremate na agad pagkamatay sa COVID
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - April 4, 2020 - 12:00am

Ang direktor ng mga drama series sa GMA 7 na si direk Zig Dulay ang isa sa apektado sa pagpanaw ng freelance DOP ng Kapuso network na si Joseph delos Reyes.

Nakausap si direk ng PEP Troika, pagkatapos lumabas ang balitang pumanaw na ito, dahil sa COVID-19.

Si Joseph ang regular na kinukuhang cameraman ni Zig sa lahat na mga pelikula niya at mga programa sa GMA 7. Kaya closed daw silang dalawa na parang magkapatid na raw ang turing nila sa isa’t-isa.

“Gamay na namin ang isa’t isa. Sa kanya lang ako nagtitiwala, na alam kong aalagaan niya ‘yung project namin. Nagandahan ‘yung mga tao sa Sahaya, lalo na sa cinematography nito, syempre siya ang may gawa n’un. Kaya naman binigyan kami ulit ng isa pa sanang serye.

“Yung huling usap namin bago siya maospital, humingi siya ng pasensya kasi nga hindi niya natapos ang shoot, kinagabihan kasi ng mismong shoot namin, masama na pakiramdam niya. Sabi ko sa kaniya, okay lang. Magpahinga siya at magpagaling.

“After ng orientation namin sa GMA, sabay pa kaming umuwi at nag-dinner pa kami dahil pinag-usapan namin ‘yung plano naming look ng bagong serye.

“May look-test dapat kami the next week, doon ko nalaman na nasa ICU na daw siya. Tinext ko siya ay nagmessage sa facebook pero di na siya sumasagot.

“Ang mas nakakalungkot pa dito, nawala man lang siya nang hindi namin siya makikita dahil sa nangyayari ngayon na lockdown. Hindi man lang kami makakapagpaalam sa kaibigan namin,” malungkot na pahayag ni direk Zig.

Malungkot talaga ang kuwento nitong si Joseph dahil nang na-hospitalize siya sa Cavite, naging PUI na rin ang mga miyembro ng pamilya niya.

Lalong lumala ang kalagayan nang na-stroke ito habang under comatose siya.

Nagkaroon pa ng problema sa pamilya niya dahil hindi pa raw tinanggap ng mayor sa Nasugbu, Batangas nang uuwi na sana doon ang kanyang ina.

Mabuti at marami naman ang tumulong.

Kinausap ni Mayor Lani Mercado ang DOH doon sa Region 4A, at ginawan ng paraan ni Liza Dino ng FDCP na tanggapin na sila sa Batangas pero in-isolate sa isang resort ang kanyang ina.

Napakalungkot ng sinapit nila na nagkakahiwa-hiwalay dahil sa COVID-19 at hindi man lang nila nasilayan ang mga labi ni Joseph dahil kaagad itong ipina-cremate.

Tumulong din ang GMA 7, at pati ang FDCP na siyang nag-ayos ng hospital bill niya na umabot ng halos dalawang milyong piso.

Sasagutin naman daw ito ni PhilHealth, at siguro ang ibang tulong na naibigay at para na lang sa naiwan niyang pamilya.

Si Joseph ang isa sa napakaraming taong nasawi dahil sa COVID-19.

Musikahan, nakakolekta na ng P23 m

Nakakatuwa rin ang mga kilalang celebrities na patuloy na nagbibigay ng

donasyon para sa mga apektado ng COVID-19.

Pati ang mga kilalang singer ay puspusan ang mga online concert series na napapanood sa Facebook at ilang platform ng social media.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with