Angel pinatatakbo na namang senador
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 3, 2020 - 12:00am

Lumalakas ang clamor na kumandidato na senador si Angel Locsin o bigyan na siya ng cabinet position dahil talagang tinataya niya ang buhay para makatulong sa krisis ng bansa na dala ng novel coronavirus.

But I doubt kung gagawin ng Kapamilya actress ‘yun. Isa si Angel sa maasahan tuwing may ganitong sitwasyon ang ating bayan.

Anyway, hindi na lang mga frontliner ang pinatatayuan ng tents ng grupo ni Angel kundi maging para sa mga bantay ng mga may sakit na hindi na nakakauwi.

Nauna na rin silang nakapag-donate sanitation tents sa PGH.

“Mula po sa inyong donasyon nitong mga nakaraang araw, we have also purchased and donated this sanitation tent with misting machine and UV light for our frontliners sa PGH. Muli, Maraming Maraming Salamat po sa nagpaabot na ng kanilang tulong via gogetfunding, paymaya at eastwest bank account deposit.”

God bless you more Angel.

Iba ka.

Mga sinehan matagal pa uli bago mapanooran

Sa mga technical crew, production or post-production staff, stunt person, actor, dubber, or any other freelance audio-visual (AV) content worker with a “no work, no pay” status na biglang nawalan ng trabaho na resulta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), puwedeng-puwede pa kayong mag-apply sa DEAR ACTION!, ang financial assistance worth P8,000 ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Nag-rellocate ang FDCP sa DEAR (Disaster/Emergency Assistance and Relief) Program mula sa kanilang existing funds  para matulungan ang showbiz workers na apektado sa nangyayaring enhanced community quarantine.

Hanggang April 24, 2020 pa sila tatanggap ng applications.

Ayon sa mga medical expert, tatagal pa hanggang June bago tuluyang mag-subside ang coronavirus sa bansa lalo na nga’t marami pa rin ang lumalabas ng bahay na kung magkakatotoo ay matagal pa ring mawawalan ng trabaho ang mga mangagagawa ng TV at pelikula natin kaya malaking tulong ang ginagawang ito ng FDCP.

May isang analysis din na kung sakali mang magbukas ang ibang establishments habang may enhanced community quarantine, kasama diumano ang mga sinehan sa hindi muna papayagang mag-operate.

Kaya talagang matagal pang magtitiis ang workers ng pelikula ‘di lang naman dito sa Pilipinas kundi sa mga bansang matindi ring tinamaan ng novel coronavirus.

Cinema one originals, sa 2021 na itutuloy

Ipagpapaliban na rin ng Cinema One Originals ang film festival ngayong taon habang binibigyan nito ng mas mahabang oras ang mga direktor na makabuo ng mga bago at nakakapukaw na kwentong pang pelikula dahil extended na sa Hunyo 1 (Lunes) ang deadline ng pagsumite ng script entries para sa susunod na film fest.

Kadalasang ginaganap sa huling bahagi ng taon, ipagdiriwang ang susunod na C1 Originals sa 2021 na.

Samantala, ang entries para rito—kumpletong iskrip na may kasamang sequence treatment—ay pwedeng orihinal o hango sa isang salaysay at dapat directorial debut o ‘di kaya’y pangalawa lamang sa full-length feature film ng isang filmmaker. Gagawaran ng P3 million production budget ang bawat mapipiling finalist.

Isa sa mga division ng ABS-CBN Films, ang C1 Originals ay nagsimulang magprodyus ng matatapang at makabuluhang pelikula para sa mga manonood noong 2005. Simula noon, nabibigyan nito ng pagkakataon ang Pinoy filmmakers na maisakatuparan ang kanilang pinangarap na kwento.

Noong 2019, nagwagi ang LGBT drama feature film na Sila-Sila ni Giancarlo Abrahan bilang Best Picture mula sa mahigit 130 entries na sumali sa nasabing film festival.

Dahil sa nasabing extension mas marami pa tiyak mas maraming ideas ang puwedeng maisip ang mga filmmaker natin lalo na nga’t nasa bahay lang ang lahat dahil sa community quarantine.

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with