Maymay
Maymay, napaiyak sa sorpresa ni ‘kuya’
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - April 3, 2020 - 12:00am

Naging emosyonal si Maymay Entrata nang biglang tawagan ni ‘Kuya’ ng Pinoy Big Brother house habang nasa kanyang condominium unit ang dalaga. Sobrang nasorpresa ang aktres dahil hindi inaasahan na muling makakausap si ‘Big Brother’ mula nang lumabas sa PBB house noong 2017. “Naiiyak ako Kuya, I miss you. Kamusta ka na? Di nagpaparamdam, di mo naman ibinigay number mo paglabas ko,” naluluhang pahayag ni Maymay.

Nalulungkot ang aktres sa dinaranas ng bansa ngayon dahil sa panganib na dulot ng coronavirus disease 2019 o covid-19. “Kasama ko po ‘yung dalawang best friend ko. Nalulungkot ako, Kuya. Kapag kapag iniisip ko, for example kami rito bored na bored na kami rito. Iniisip na lang namin kung gaano kahirap ‘yung ibang tao. Minsan pala iisipin mo rin ang pinagdadaanan ng ibang tao, gaya ng mga tao na kulang ang pangangailangan nila sa araw-araw. Lalo na nakita ko ‘yung video na ‘napakahirap maging mahirap’ kaya patuloy pa rin sa trabaho sila. Wala silang choice. Kaya masaya ako nang naging parte kami ng Pantawid ng Pag-ibig kung saan pwede silang magbigay ng donasyon po para makatulong. Makapag-provide sila sa mga taong nangangailangan. Importante rin Kuya na huwag tayong magpakain sa pangamba or takot. Piliin natin na mas maging positibo tayo para sa magandang kinabukasan ng bawat isa. Kasi hindi po nakakatulong kapag takot ka lang,” pagbabahagi ng dalaga kay Kuya.

Ion, birthday wish kay Vice na mas magtagal pa ang kanilang relasyon

Noong Martes ay nagdiwang ng kanyang kaarawan si Vice Ganda habang nasa bahay lamang dahil sa enhanced community quarantine. Nagbigay ng mensahe ang nobyo ng Unkabogable Phenomenal Box Office Superstar na si Ion Perez sa pamamagitan ng isang video. “Sana mas lalo ka pang maging malakas at sana mas lalong magtagal pa ang pagsasama natin, huwag na ako masyadong magdrama kasi bawal, dapat happiness lang. To my partner, my lover, my very best friend, mahal na mahal kita,” mensahe ni Ion.

Malaki ang pasasalamat ni Vice sa binata dahil masaya at maayos ang takbo ng kanilang relasyon. “Hindi ko ma-imagine na nangyayari ito tapos wala si Ion. Siguro ang lungkot-lungkot ng buhay ko tapos buryong ako siguro talaga. pinakakalma niya talaga ako. No’ng past birthdays ko lagi akong nag-e-emote na parang inggit na inggit ako sa lahat. Lahat nagpapakasal, lahat may jowa. Ngayon masaya ang puso ko, may taong nagmamahal sa akin na mahal na mahal ako. Ang saya ko, natutuwa ako. ‘Yon nga ang ganda nitong pagkakataon na kalmado lang. Kaya Lord, maraming salamat. Patatagin n’yo pa po ang loob ko, patatagin n’yo pa po ang buhay ko. Ayaw ko pong magkasakit,” paglalahad naman ni Vice. -Reports from JCC-

MAYMAY ENTRATA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with