Vic
Vic ayaw makisawsaw sa NBI issue ni Mayor Vico
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - April 3, 2020 - 12:00am

Bilang naka-home quarantine na tayong lahat, mas lalong naging mapagmatyag ang lahat, lalo na ang celebrities na lahat ay sa social media account nila inilalabas ang lahat na mga hinaing, opinyon at mga obserbasyon nila kung meron man.

Nung nakaraang Miyerkules ay nakatutok sila sa mga nangyayari na nagsimula sa isang magulong rally sa Quezon City na sinasabi naman sa ilang balita na nahaluan lang ang rally ng mga Kadamay na ang iba ay hindi naman talaga taga-Quezon City.

Pinakiusapan na ni Mayor Joy Belmonte ang mga kapulisan na i-release na ang mga ikinulong na rallyista.

Kinahapunan ay lalo silang nagngitngit sa lumabas na balitang summon mula sa NBI Anti-Graft Division na inihain sa Pasig City Mayor Vico Sotto.

Bumaha ang mga komento sa Twitter, Instagram, Facebook at kaagad nag-trending ang hashtag na #MayorVicoSotto, #TulongHindiKulong at meron pang #ProtectVicoSotto.

Ang daming emote ng ilang mga artista kagaya nina Angel Locsin, Angelica Panganiban, Zsa Zsa Padilla, Bibeth Orteza, Janine Gutierrez at marami pa.

Ngumiti na lang nga si Vic Sotto nang hiningan ko ng reaksyon sa ginawa sa anak niya. Marami na ang nag-react para sa akin,” napapangiting sagot sa akin ni Bossing Vic.

Nasagot nang maayos ni Mayor Vico ang akusasyong ito, na pinagdudahan tuloy na diversionary tactic na lang ito.

Kinagabihan naman ay inabangan ang public announcement ni President Rodrigo Duterte, at lalong nagngitngit ang karamihang celebrities dahil malulutong na mura na naman ang narinig sa kanya.

Medyo marahas na naman ang pahayag ng ating pangulo kaya ang bilis ng mga tweets nina Agot Isidro, Alessandara de Rossi, Jane Oineza, Alexa Ilacad, Winwyn Marquez at marami pa.

Halos iisa ang mensahe nila na gutom ang mga tao, at iyun ang dapat harapin na problema, at hindi na idaan sa pagmumura at dahas. Kapansin-pansin nga ang post ni Lauren Young na sinabi niyang; You can call me laos, starlet or pokpok all you want cuss of how I tweet my opinions about our government. But he sought after this position—and I don’t agree with what’s happening.

Sorry if the truth hurts but you can’t deny it especially when it’s starting right at your face.”

Ang tanging dasal naman natin lahat na matapos na ito. Huwag na sanang lumala pa.

Kapuso talent na dinapuan ng COVID, na-stroke sa ICU!

Medyo lumalala na ang isang freelance talent ng GMA 7 na nadapuan ng COVID-19 at nasa hospital pa rin ngayon.

Bukod kay Mayor Lani Mercado, tumulong din ang FDCP Chairperson Liza Diño na magawan ng paraan ang ina at ang Tita nito na naging PUI na.

Ang latest na nabalitaan namin, gumaling na raw sa Pneumonia itong freelance talent ng GMA 7, pero na-stroke raw ito habang nasa ICU siya kaya hindi pa rin siya nagigising.

Bubutasan na raw ang leeg nito para maayos ang paghinga niya. Pero patuloy pa rin daw sila sa pagdarasal na magising na siya at malagpasan niya ang karamdamang ito.

Mabuti at lumabas ang resulta ng COVID test na negative pala ang kanyang ina, pero positive naman daw ang Tita nito.

Kaya dinala raw sa San Lazaro hospital ang Tita at iniwan muna sa isang isolation area sa Batangas ang kanyang ina.

Nakakalungkot ang mga ganitong kuwento, at wala naman tayong magawa kundi patuloy lang sa pagdarasal.

Gawing regular activity na rin nating magsimba online araw-araw at dasalin ang Oratio Imperata sa COVID-19.

Subukan n’yong buksan ang Sambuhay TV Mass sa YouTube para sa misa araw-araw.

JOY BELMONTE VIC SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with