Cristalle Belo-Pitt
Cristalle natuloy ang panganganak
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 2, 2020 - 12:00am

Nanganak na si Cristalle Belo-Pitt the other day. Wala nga lang siyang nabanggit kung sa Makati Medical Center siya nagluwal ng second baby nila ng husband niyang si Justin Pitt.

Maalalang last week sana siya manganganak via cesarean section pero kailangang i-disinfect ang MMC matapos mag-positive si Sen. Koko Pimentel na sinamahan ang misis doon na nanganak na rin last Sunday.

“Today was such an amazing day I gave birth to a beautiful baby girl! It was difficult not having @justinpitt77 in the delivery room during my CS operation.

“However, we are happy to do our little part to protect our health works from being exposed to “more people.”

Barbie binulag na kasambahay sa Magpakailanman

Ngayong Sabado (April 4), muling panoorin si Primetime Princess Barbie Forteza sa natatangi niyang pagganap bilang si Bonita Baran, isang minaltratong kasambahay sa Magpakailanman. Kapos sa pera sina Bonita kaya namasukan siya bilang isang kasambahay. Ngunit dahil sa kalupitan ng mga amo niya, bugbog at pagkabulag ang inabot niya.

Sa kabila nito, bumangon si Bonita at ipinaglaban ang hustisya. Mula sa direksyon ni Conradu Peru, ‘wag palalampasin ang episode na pinamagatang  Ang Pagmulat ng Binulag na Kasambahay: The Bonita Baran Story ngayong Sabado nang gabi sa #MPK sa GMA-7.

CRISTALLE BELO-PITT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with