Sarah and Matteo
Matteo nagsalita sa isyung pagbubuntis ni Sarah
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - April 2, 2020 - 12:00am

Nasa bahay lamang ngayon ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli dahil sa ipinapatupad ng gobyerno na enhanced community quarantine.

Noong Linggo ay nakausap ni Matteo ang mga kaibigang sina Nico Bolzico at Kean Cipriano sa pamamagitan ng Facebook Live broadcast para sa One Voice Pilipinas na fundraising event sa pangunguna ng aktor.

Bilang mga baguhang ama sina Kean at Nico ay natanong ng huli si Matteo kung buntis na ba si Sarah ngayon. Matatandaang February 20, 2020 nagpakasal ang mag-asawa. “No, whatever God gives us, it would be amazing. As of now, we enjoy each other because this is the first time that we’re actually together after six years. It’s just one month that we’re married but every single day feels like a blessing, feels like a dream,” makahulugang pahayag ni Matteo.

Kapatid na doctor ni Vice umiiwas muna sa mga kasama sa bahay

Nangangamba si Vice Ganda para sa nakatatandang kapatid na babae na isang doktor. Patuloy pa rin ang paglaganap ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa bansa kaya nag-aalala si Vice sa kanyang ate. “‘Yon ang nagpapabigat sa akin every day. Kasi ‘yung ate ko ay doktor, she goes to the hospital every now and then. So exposed siya, ang lungkot ng buhay niya kasi ospital. Tapos kapag uuwi siya ng bahay, hindi siya puwedeng lumabas ng kwarto. Hindi niya nakakasalamuha ang nanay ko.

“Hindi siya puwedeng tumabi sa nanay ko kasi ang nanay ko ay matanda na so pagkagaling sa ospital, from sasakyan, diretso ng kuwarto, tapos dinadalhan na lang siya ng pagkain. Nakakaawa ‘yung pagkain niyang inaabot lang sa pinto. Kasi nga exposed siya,” emosyonal na pagdedetalye ni Vice.

Nakararamdam ng takot ang Unkabogable Phenomenal Box Office Superstar para sa buong pamilya dahil sa trabaho ng kapatid. “Every day hinaharap namin ‘yung fear na baka… hindi ba? Kasi exposed nga siya sa danger. Kaya noong nakaraan nagte-text siya sa akin kasi natatakot siya. Pero kailangan niya gampanan ang trabaho niya bilang doktor. Siyempre kailangan ko maging malakas kasi sa pamilya namin, parang ako ‘yung panganay. Hindi ako puwedeng mahina, so kailangan malakas ako. Tinext ko siya, sabi ko, ‘Your faith must always be stronger than your fears.’ Hindi ako puwedeng magparamdam na natatakot ako para sa kanya kasi baka lalo siyang matakot,” kuwento niya.

Umaasa naman si Vice na malalapasan din natin ang krisis na nararanasan ngayon basta manalig lamang ang lahat sa Poong Maykapal. “Ako talaga kapit na kapit ako sa paniniwala na maaayos ang lahat, mase-save tayong lahat. We have a God who saves and we have a God who will provide for everything that we need,” pagtatapos ni Vice.  (Reports from JCC)

MATTEO GUEDECELLI SARAH GERONIMO VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with