Gina Cobarrubias
Iza gustong maging spokesperson ng COVID
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - April 2, 2020 - 12:00am

Nakalabas na ng hospital si Iza Calzado, pero tuloy pa rin ang quarantine niya dahil kailangan pa rin daw magpalakas ng Kapamilya actress. Madali raw siyang mapagod, kaya talagang rest pa rin sa kuwarto niya.

Bukod kay Iza at asawa niyang si Ben, tinutuloy pa rin daw ng mga kasama nila sa bahay ang self-quarantine, magkakahiwalay daw sila ng kuwarto at hindi pa rin sila nagkikita.

Marami raw natutunan si Iza sa karanasan niyang ito, kaya kapag umokay na siya, ibabahagi niya ito sa lahat at willing nga raw siyang maging spokesperson tungkol sa COVID-19.

Ganundin si Christopher de Leon na tumatanggi muna sa mga interview dahil mas mabuting hintayin daw munang humupa na itong pagkalat ng nakakamatay ng virus.

Asawa ng actor na si Menggie pinapalayas sa ospital habang naka-quarantine!?

Nabahala naman ang mga kaibigan ni Menggie Cobarrubias nang nalaman

nilang nasa isolation area na ngayon sa isang hospital ang asawa niyang si Gina Cobarrubias.

Kamakalawa lang ay nag-text si Gina sa ilang kaibigan para humingi ng tulong dahil pinapaalis daw siya ng hospital dahil wala itong kasama.

Kaagad namang nakipag-ugnayan sa hospital na iyun ang ilang kaibigan para maayos siya.

Hindi naman kasi siya puwedeng lapitan dahil PUI na rin siya, at kailangan din niyang i-isolate.

Mabuti at ang kaibigan nilang si direk Bibeth Orteza ang tumulong kaya hindi na nakaalis doon sa hospital si Mrs. Cobarrubias, inilagay na siya sa isolation area.

Hindi pa naman lumabas ang resulta ng COVID test niya, pero kailangan pa rin niyang i-quarantine.

Sobrang nabahala ang mga anak nila na nasa Amerika ngayon dahil nagdududa raw silang hindi sinasabi ng Mommy nila ang tunay niyang kalagayan para hindi sila mag-alala.

Kaya idinadalangin na lang ng mga malapit sa mag-asawa na sana malagpasan ito ni Gina.

Nagpapasalamat naman ang mga anak nila sa lahat na tumulong dahil wala nga sila rito sa Pilipinas.

Sabi nga ng isang anak nila na si Gino, “I don’t want to lose my mom too.”

Kaya patuloy lang tayo sa pagdarasal na matapos na itong COVID-19, dahil napakasakit na mamatay na mag-isa sa COVID-19 na hindi man lang malapitan ng mga taong nagmamahal sa ‘yo.

GINA COBARRUBIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with