KC
KC nag-display ng boobs habang pinapalakpakan ang frontliners
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - April 1, 2020 - 12:00am

Nag-post ng kanyang cyber applause para sa frontliners si KC Concepcion, pero hindi ang caption na “A huge cyber APPLAUSE to all nurses, doctors, security guards, grocery/pharmacy/hospital clerks & all FRONTLINERS out in the battlefield today. MARAMING SALAMAT PO!” ang nakatawag ng pansin sa followers ni KC.

Hindi rin sa kanyang sayaw nag-focus ang mga nakapanood ng video ni KC dahil mas tiningnan nila ang suot ni KC while doing her cyber applause thing. Sumisilip kasi ang boobs ni KC sa kanyang cute na sayaw at may instance pa na lumapit siya sa camera, kaya kitang-kita ang boobs.

Pero mautak si KC, sinigurong hindi siya maba-bash ng bashers niyang super sipag kahit ano ang kanyang i-post. Dinisable ni KC ang comment box sa video post niyang ito, kaya ang bashers, nganga.

Sa ibang website na nag-post ng video ni KC na lang sila bumawi and as expected, puro nega ang comments na nabasa namin. May nagsabing “cheap” si KC at may tumawag pang “papansin” siya. Comment ng isa, “from classy to trashy” at may nag-comment na ang boobs niya ang napansin at hindi ang message niya.

In fairness kay KC, hindi niya dinelete ang nasabing post at ini-open uli ang comment box sa sunod niyang post. Sinagot nito ang nag-comment na “boobbey ba naman ks lagi binibilad.”

“@just.bechai23 This is MY BODY. Not yours. You can do what you want with

yours, I can do what I want with mine.”

Arnold abala sa pagdo-donate

Kabilang si Arnold Clavio sa mga celebrity na nag-donate ng medical supplies para sa frontliners. Ibinalita ni Arnold na sa tulong ng kanyang Igan Foundation, nakapag-donate sila ng mga kailangan ng medical frontliners.

“Sa mga nais na magbigay pa ng donasyon at tulungan ang ating mga frontliner, narito po ang gagawin- makipag ugnayan sa Metrobank branck o online, Account Name: IGAN PILIPINAS FOUNDATION. ACCOUNT NUMBER- 180-7-180-511-00-4. Kuhanan ang inyong deposit slip at ipadala niyo sa aking IG account @akosiigan.”

KC CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with