^

PSN Showbiz

Itlog ni Jayson, inalok pasilip kapalit ng alcohol at tuna

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Itlog ni Jayson, inalok pasilip kapalit ng alcohol at tuna
Jayson

Noong March 20 ay naikwento ni Jayson Gainza sa kanyang Instagram account ang mga pangyayari sa labas ng kanilang bahay. Ayon sa Batangenyong aktor ay muntikan na siyang maloko ng dalawang mapagsamantalang bakla nang lumabas si Jayson ng bahay. Ipinakita ni Jayson sa dalawang magkaibang video kung saan nangyari ang mga insidente.

May caption ang unang post na, “Sa panahon ngayon wag tayong paloloko yung iba man naloko mo wag ako #dont me #communityquarantine”

Isinalaysay ng dating Pinoy Big Brother housemate kung ano ang nangyari noong umaga. “Are kabayan, ikwento ko laang. Pinabibili ako ng pandesal, hindi naman pwedeng lumabas dahil quarantine, ‘yang gate (ng village) naka-lock. Jayson, ikaw ay bibigyan ko ng alcohol, ipakita mo ‘yung kaliwang itlog mo. Sabi ko naman eh, ‘Bakit ko naman ipapakita? Ako nama’y artista, may pera naman ako eh.’ Akala niya yata ako’y maloloko niya. Sa isang alcohol? Ipapakita ‘yung kaliwang itlog ko, huh! Gago siya! Diyan nakaupo ‘yung bading na ‘yon,” kwento ni Jayson sa Instagram.

Kinagabihan ay mayroon na namang kaparehong nangyari sa aktor na kanya muling nai-post sa Instagram. May caption ang pangalawang post na, ‘Grabe na po talagang ingat kayo ah ah!’

“Kanina pagkalinis ko ng kotse, may bading na naman diyan kanina. Iba, tanda ko naman ‘yung kaninang bading eh. Sabi sa akin, ‘Jayson, ipakita mo ‘yung kanang itlog mo at ikaw ay bibigyan ko ng tuna.’ Sabi ko’y, ‘May pambili naman ako.’ Eh di umalis, para tuna laang akala mo yata’y… diyos ko po! Diyan din kanina,” pagsasalaysay ng aktor.

Kim, parang kinalabit ng diyos nang makaligtas sa ambush

Mag-iisang buwan na ang nakalilipas nang pagbabarilin ang van ni Kim Chiu habang pa­punta sa taping ng kanyang teleserye ang aktres. Nakaligtas naman ang dalaga at mga kasamahan sa naturang insidente. Kahit maraming naawa sa aktres ay mayroon din namang ilang netizens ang nagsasabing ‘fake ambush’ diumano ang nangyari. “No’ng napanood ko ‘yung sa YouTube, fake ambush daw, sobra akong na-bother. Parang nasabi ko talaga sa sarili ko bakit niya sinabi ‘yon? Bakit may mga taong naniniwala sa kanya? Ang dami kong bakit noong araw na ‘yon hanggang sa dumating ako sa punto na, okay na. Huwag na natin siya isipin, hindi naman mahalaga kung ano ‘yung reaksyon niya, kung ano gusto niya palabasin. Basta ang mahalaga walang nasaktan sa amin, walang casualty,” paglalahad ni Kim.

Inamin din ng aktres na nakumpirma na talagang hindi siya ang target ng hindi pa nakikilalang gunmen. “Nag-text sa akin ‘yung isa sa mga boss namin na nag-message daw ‘yung dapat na para sa kanya ‘yung bala, na pakisabi raw sa akin na pasensya na. Pakisabi raw sa akin na huwag raw ako mag-alala dahil hindi raw para sa akin ang bala. Para akong nabunutan ng tinik, para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko alam ‘yung nararamdaman ko na ang daming tumakbo sa isip ko. Paano kung tumama sa akin?” pagbabahagi ng dalaga.

Malaki ang pasasalamat ni Kim at itinuturing nitong isang milagro ang lahat ng nangyari. “’Milagro ‘yung nangyari sa amin kasi wala akong narinig eh. Para lang may bakal na tumama do’n sa kotse ko pero hindi gano’n kalakas. Sunud-sunod daw ‘yung baril pero nagising ako na tapos na. Parang may kumalabit sa akin na tapos na, gising na. God moves in mysterious ways na nandoon siya sa mga panahon na hindi natin inaakala na nandiyan Siya, pinoprotektahan tayo araw-araw,” pagtatapos ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

JAYSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with