^

PSN Showbiz

Mga artista noon iilan ang ka-level ang awra ngayon

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Makukumpara mo talaga iyong mga artista ngayon at mga artista noon pag nakapanood ka ng mga lumang pelikula.

Medyo malaki nga ang difference ng star quality noong kapanahunan nina Lorna Tolentino, Nanette Medved, Dawn Zulueta, at iba pang kasabayan nila.

Iyong star quality nina Vilma Santos, Nora Aunor, Sharon Cuneta na para bang shining sila sa bawat eksena ng kanilang pelikula. Saka iyon presence at confidence nila, parang hindi namana ng bagong generation except for some na grabe din ang presence sa screen like Bea Alonzo, Marian Rivera at Julia Montes ha.

Iyong presence at aura na dapat nasa iyo para magtagal ka, kumikinang ka dapat habang nasa screen at iyon ang maging quality mo na panlaban sa showbiz.

Ang galing din ni Kathryn Bernardo, luminous din si Jennylyn Mercado.

Si Maricel Soriano kita mo na kahit petite, hindi outstanding ang ganda, pero ang lakas ng screen presence at maraming talent.

Sarap talagang manood ng movies lalo ngayon na wala kang disturbance, nakikita mo ng maliwanag ang mga kaibahan ng bawat artista. At mako-compare mo sa mga bagong artista ngayon.

Pero sabi ko nga, kanya-kanyang taste, puwedeng gusto ko, pero iba gusto ng iba. Kaya hayaan n’yo ako sa choices ko noh at igagalang ko rin choices n’yo.

Panahon ng tulungan at bigayan...

Proud naman ako Salve sa mga friends natin sila Dra. Vicki Belo, Joey Santos ng Obagi, Aileen Go ng MegaSoft, Rhea Tan ng Beautederm at ni Cris Roque ng Kamiseta. 

Talagang ang sisipag nila sa pagtulong sa frontliners at health workers natin na tinutu­ring natin ngayong bagong bayani ng ating bayan.

Imagine rin ang talagang ang financial help na binigay nila sa kanilang mga empleyado ay talagang appreciated ng mga ito.

Iyon ginawang pag-donate ni Cris Roque ng Kamiseta ng mga PPE na gamit na ngayon ng mga health worker ay talagang kailangang-kailangan ngayon.

Iyon ginawa ni Scarlet Belo na pagbibigay cash gifts na natanggap niya noong birthday niya to make the ball rolling para sa fundraising ng Scarlet Belo help for frontliners ay very commen­dable rin.

At times like this, lahat talaga nang puwede mong itulong ay ibigay mo na, dahil ito ang panahon kailangan ang tulong ng bawat isa. Bravo. 

vuukle comment

ARTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with