^

PSN Showbiz

Iza Calzado magaling na sa COVID-19, uuwi na bukas

James Relativo - Philstar.com
Iza Calzado magaling na sa COVID-19, uuwi na bukas
"It’s an amazing start of the week as we were just told that Iza can go home tomorrow after completing her IV antibiotics!" sabi ng kanyang manager na si Noel Ferrer sa Instagram.
Mula sa Instagram account ni Iza Calzado

MANILA, Philippines — Nagbunyi ang kampo ng aktres na si Iza Calzado matapos mapag-alamang gumaling na siya mula sa nakamamatay na novel coronavirus disease 2019 (COVID-19), Lunes.

Sabado lang nang isapublikong tinamaan ng kinatatakutang virus si Iza matapos makuha ang kanyang results noong Biyernes.

"It’s an amazing start of the week as we were just told that Iza can go home tomorrow after completing her IV antibiotics!" sabi ng kanyang manager na si Noel Ferrer sa Instagram.

"Moreover, the good news is - Iza’s retest results came back and she is now negative for CoVid."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Noel Ferrer (@iamnoelferrer) on

Pinasalamatan ni Ferrer ang lahat ng nag-alay ng panalangin sa kanyang alaga.

Bukod pa riyan, taos-puso ring nagpasalamat ang kampo ng aktres sa lahat ng nurse at health workers na patuloy na sumusuong sa panganib upang makapaglingod sa mga oras na ito.

Umabot na sa 1,546 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa pinakahuling tala ng Department of Health kanina. Sa bilang na 'yon, 78 na ang binabawian ng buhay.

Ika-25 lang nang Marso nang unang sabihin ni Iza na binubuno niya ang karamdamang pulmonya, na kadalasang tumatama sa mga nakararanas ng COVID-19.

"Let us continue to pray as Iza continues to heal and support others who are battling with the virus," sabi pa ng talent manager.

"Indeed, we pray and heal as one."

Bukod kay Calzado, matatandaang na-discharge na rin para sa parehong sakit ang aktor na si Christopher de Leon.

vuukle comment

IZA CALZADO

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with