Darren
Darren, ayaw na uling maging kaibigan si JK
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 30, 2020 - 12:00am

Tumangging magbigay ng komento si Darren Espanto tungkol sa isinampang cyber libel case ng ina ng singer laban kay JK Labajo.

Matatandaang nag-ugat ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa sa isang tweet ni JK tungkol diumano kay Darren noong October 2018.

Ilang taon na ring hindi nagkikita ang dating magkaibigan at nga­yon ay hindi na raw manunumbalik ang dating magandang samahan noon nina Darren at JK. “We haven’t see each other for years. So I don’t know, hindi na talaga kasi The Voice Kids we were best friends and a lot of people started telling me things that he started saying a lot of things about me. But after few years na hindi kami nag-uusap, so I don’t really know where that came from. And why he started doing it, but at the moment huwag na lang din,” nakangiting pahayag ni Darren.

Kahit may kanya-kayang hit songs ang dalawa ay hindi raw tatanggapin ni Darren kung sakali mang magkaroon ng alok sa kanila ni JK na isang collaboration.  “Ako tama na ‘yon, huwag na lang,” giit ni Darren.

Makisig, mas clingy sa misis

Kamakailan ay naipakilala na ni Ma­kisig Morales sa publiko ang asawang si Nicole Joson. Sa Australia ikinasal ang dalawa noong June, 2019.

Ayon kay Makisig ay malaki na ang ipinagbago sa kanilang relasyon ni Nicole mula nang ikinasal. “May selos po talaga pero unlike before, now na mag-asawa na kami ay mas nabawasan na po ‘yon. Mas trusted na po namin ‘yung isa’t isa at saka mas panatag po ‘yung loob namin. Mas secured na at wala na pong dapat i-worry. Ina-assure ko siya at ina-assure niya rin ako. Sa tingin ko sa aming dalawa, ako ang mas clingy. Gusto ko nasa akin ‘yung attention niya pero hindi naman po pwedeng gano’n,” pagbabahagi ni Makisig.

“Normal naman po siguro ‘yung relationship na magselosan po. Siguro more on tampuhan po. Kasi getting to know each other stage pa po kami noon,” dagdag naman ni Nicole.

Ayon sa singer-actor ay mala­king bagay sa mga mag-asawa ang madalas na pag-uusap at hindi matutulog kung mayroong tampuhan. “Communication is key po talaga. Love, siguro promise ko sa iyo tulad nga ng sinabi natin, mamahalin kita ‘til death do us part. At lagi kong ia-assure sa iyo na mahal na mahal kita,” pahayag ni Makisig.

“Promise ko sa iyo na through our ups and downs, I will always be here for you and I will always love you,” sagot naman ng asawa sa aktor. (Reports from JCC)

I DARREN ESPANTO JK LABAJO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with