Ruby
Ruby inaalalayan ng dabarkads, pui na rin!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - March 30, 2020 - 12:00am

Sinubukan kong kapanayamin si Ruby Rodriguez  tungkol sa pagpanaw ng kanyang kapatid na si Dra. Sally Gatchalian, pero sinabi na sa akin ng bestfriend niyang si Pauleen Luna na mukhang hindi pa handa ang comedienne/TV host na pag-usapan ito dahil sobrang apektado raw ito sa pagpanaw ng kanyang ate.

Close kasi talaga silang magkapatid dahil bukod sa magkalapit sila ng bahay, silang dalawa lang daw ang naiwan dito sa bansa dahil nasa Amerika ang iba pa nilang kapatid.

Kaya inaalalayan lang daw nilang mag-dabarkads dahil sobrang lungkot daw ni Ruby.

Kasalukuyang PUI (person under investigation) si Ruby at kanyang pamilya dahil nga sa nangyari sa kanyang kapatid.

BOYET, SANDY AYAW MUNA NG INTERVIEW

Sa totoo lang, isa rin ‘yan sa kinu-consider ni Christopher de Leon kaya tumatanggi muna ito sa mga gustong mag-interview sa kanya.

Humingi nga si Sandy Andolong ng paumanhin sa mga kaibigan niyang nasa media dahil hindi niya nasasagot ang mga text at tawag ng mga reporter na gusto sana silang kapanayamin.

Text ni Sandy sa akin, hindi pa raw talaga appropriate na magpa-interview sila ni Boyet dahil marami pa raw ang badly affected, lalo na raw ang ating mga frontliner.

Bahagi ng kanyang text na ipinadala sa akin; “May mga friends din kami not from showbiz at distant relative na tinamaan ng COVID-19.

“Three have died.

“Out of respect for those who have gone before us and those still suffering.

“What’s happening now is very heartbreaking.

“We pray everyday for the whole world and every single person, even those we don’t personally know who are affected by this virus.

“We fervently pray that this pandemic will end soon.

“We try to help in any small way we can through volunteers and NGOs.

“That’s the best thing that we can do now.

“Stay well and stay safe.

“God be with us all!”

Hindi pa lang nagsasalita

Asawa ng male celebrity, nag-positive rin sa covid na ka-condo ni iza

Nang nabalitaan ni Christopher de Leon na naging positive si Iza, hiningi niya ang numero nito sa manager niyang si Noel Ferrer para kausapin ito.

Kinausap ni Boyet ang Kapamilya actress para iabot ang kanyang panalangin lalo na’t naka-relate din siya sa pinagdaanan nito.

Kaya nagpapasalamat si Iza sa lahat ng patuloy na nagpapaabot ng mensahe ng panalangin at pagmamahal sa kanya. Pati ang pamunuan ng Kapamilya network na nakasuporta sa kanya.

Sabi ni Noel, kapag mag-negative na raw ang second test nito, at matapos na ang pinapa-take na anti-biotics, baka puwede na raw siyang i-discharge.

Nagpapasalamat lang sila dahil okay naman daw ang asawa nitong si Ben na siyang nagbabantay doon sa hospital.

Mahigpit daw na pina-practice ang social distancing kaya magkalayo sila.

Ang mga kasama naman nila sa condo unit na tinitirhan nila ay patuloy pa ring naka-quarantine at mahigpit daw ang order na huwag silang lumabas.

Medyo napa-praning na nga raw sa condominium na tinitirhan nila dahil bukod kay Iza, meron pa raw isang nag-positive doon na asawa pala ng isang male celebrity.

Hindi na raw muna pinatuloy doon ang asawa  nitong male celebrity na hindi pa raw naglalabas ng statement na positibo rin siya sa COVID-19.

RUBY RODRIGUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with