Vico
Mayor Vico, may nilinaw sa fake news na pagpapasara ng palengke
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 29, 2020 - 12:00am

Kumalat ang balitang magsasara umano ang mga palengke at talipapa sa lungsod ng Pasig kaya nangamba ang mga residente rito. Agad namang nilinaw ng Alkadeng si Vico Sotto ang tungkol dito. “Nagkakaroon ng mga fake news na magsasara na raw ‘yung palengke. Kaya siguro dapat magbigay linaw din po ako na hindi magsasara ang palengke natin. In fact ‘yung oras po na bukas siya hindi natin binago, bakit? Para hindi po magkumpulan ‘yung tao do’n, para di masyadong masikip,” paglilinaw ni Mayor Vico.

Nagsimula nang mamigay ng food packs sa Pasig para sa halos isangdaang libong kapus-palad na pamilya rito. Ayon kay Mayor Vico ay medyo naaantala lamang ang pamimigay ng kanilang grupo dahil na rin sa lawak ng mga lugar na pagdadalahan ng mga food packs. Simula naman bukas ay magbibigay rin ng financial assistance na tig-tatlong libo ang Pamahalaan ng Pasig para sa mga apektadong jeepney, tricycle at UV express drivers sa lungsod. Maraming mga mamamayan ang humahanga sa anak nina Vic Sotto at Coney Reyes sa pagtulong nito sa mga kababayan.

Kim at Xian, hanggang video call mula

Katulad ng ibang artista ay nagbigay na rin ng tulong sa mga kabarangay na nangangailangan sa Marikina si Kim Chiu. Ayon sa aktres ay masarap sa pakiramdam na mayroon siyang mga kapwang natulungan sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa ngayon dahil sa coronavirus disease 2019 o covid-19. “Masarap sa feeling siyempre kahit paano may nagawa ka sa kapwa mo. Parang na-engganyo ako sa mga nakikita ko sa Instagram. Gusto ko magbigay di lang sa fundraising, sa donation, gusto ko ‘yung mapagod din ako, galaw-galaw bukod sa exercise. Ang sarap mag-repack ng mga bagay-bagay tapos mahahatid mo sa mga pamilya dito, mabigyan ko sila lahat kasi walang work. Sa maliit lang na bagay, malayo naman ang mararating. Sana maraming ma-inspire doon sa kahit maliit lang na bagay. Kahit ilang barang lang, apat na barangay, 500 families, okay na ‘yon. So napakasarap sa pakiramdam. Saka ‘yung mga angels namin dito tulungan kami, para may ginagawa kami together, bonding. Ito na yata ang pinakamalala kong bonding sa mga angel ko rito sa bahay,” pagbabahagi ni Kim.

Samantala, sa pamamagitan ng video call na lamang nagkakausap ngayon ang aktres at kasintahang si Xian Lim dahil sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine. Katatapos pa lamang din ng 14-day self qua­rantine ni Kim dahil nagkaroon ng covid-19 ang katrabaho sa Love Thy Woman na si Christopher de Leon. “Kasi naka-quarantine din kami mga Love Thy Woman cast dahil nga kay Tito Boyet na magaling na ngayon. So okay naman, wala akong nararamdaman na masama. Nakakapag-workout, para kaming nag-PBB (Pinoy Bog Brother), nagbotohan kami sino ang lalabas. Napili namin ‘yung ate ko,” nakangiting kwento ng dalaga. (Reports from JCC)

 

KIM CHUI VICO SOTTO XIAN LIM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with