Virus hindi maiwasan kahit sobrang ingat!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - March 28, 2020 - 12:00am

Balot na sa takot na ang iba sa mga nangyayari sa kasalukuyan.

Iyon mga balita na matataas na tao na ang tinatamaan, na kumbaga mas angat kesa iba at may means para makaiwas sa covid 19 naging mahina rin ang depensa sa virus.

Sabi nga ng isang congressman, lahat ginagawa niya, pag­huhugas ng kamay, paliligo, pag-iwas pero hayun positive pa rin siya.

Totoo iyon sinabi na pag nagkaroon na ng testing baka lomobo ang bilang ng merong covid 19.

At totoo iyon iba namamatay na hindi pa nakukuha ang resulta ng test dahil nga ang facility natin ay hindi sindami ng sa ibang bansa.

Pero ‘wag tayong matakot dahil mabilis din ang galaw ng gobyerno, kulang nga lang tayo sa manpower.

Basta kapit-kamay lang lahat, and one day we’ll wake up, wala na si coronavirus.

Walang problema na walang solusyon, lahat meron basta wait lang.

‘Patience is a virtue’

Napanood n’yo ba ang balita tungkol sa mga nagtatanim ng gulay na halos itapon na nila ang ilang mga gulay dahil nahihirapan silang dalhin dito sa Metro Manila?

Bakit hindi na lang ito ang bilhin ng mga nagbibigay ng pagkain sa mga barangay o DSWD para hindi lang delata o noodles ang ibinibigay na rasyon?

Mas maganda pa nga siguro kung gulay ang ipamimigay dahil mas kailangan ng ating katawan ngayon at mas matutulungan pa natin ang mga farmer natin.

Iyon gulay, isda o kahit ano pa na nahihirapan ibiyahe papuntang Metro Manila, bilhin na lang ng gobyerno, iyon ang idagdag sa bigas o anuman pinamimigay sa urban poor.

Iyon mga prutas na baka mas makatulong pa sa immune system ng mga na-lockdown.

Kahit paano pa may kikitain din iyon ng mga farmer at fishermen na nahihirapan sa pagbiyahe ng mga produkto nila na itinanggi ng mga pulisya.

Saka hindi ba mas mabilis kung iyon repacking gawin sa kanya-kanyang barangay para makatulong din iyon mga taga-barangay at hindi lahat ay iasa sa office of the mayor?

Kulang ang manpower, eh di iyon mga mismong bibigyan ang tumulong sa pagbabalot?

Hindi naman kailangan ang maraming tao dun, iyon mga leader lang at mas madali ang magiging distribution, mas madali ang packing, mas madali ang trabaho.

May mga bagay na mas madali pag marami ang magtutulungan at meron din namang mga pagkakataon na skeletal force lang.

Saka dapat hindi nagmamadali sa resulta, patience is a virtue. So matuto tayo na maghintay para sa oras natin.

Lahat iyan maayos, hindi kailangan magmadali.

VIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with