Mylene
Mylene kinamumuhian si Sen. Koko
Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - March 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ayaw tanggapin ni Mylene Dizon ang apology ni Sen. Koko Pimentel na tuluy-tuloy pa ring naba-bash dahil sa malaking kamalasaduhang ginawa.

Tweet ni Mylene: “Wala. What you did was not stupidity. It was pure selfishness. You, sir, sitting on your senatorial seat, should be shamed. No, I will not accept your apology. Don’t even try. Kinamumuhian kita.”

  Sa suggestion ni Atty. Pilo Hilbay kay Sen. Coco na “apologize to the health care workers you endangered & promise to compensate them. Apologize to all health care workers. Apologize to people who won’t get medical services bec the staff you endangered now have to be quarantined.

Apologize to the nation. THEN RESIGN.”

Ang sagot dito ni Mylene: “That’s not enough. Maybe if he donated all his wealth, lahat ha, toward this fight vs covid, baka yun pwede na.”

Lahat ng followers ni Mylene nag-agree sa post niya at ang iba, mas galit pa kesa sa actress.

May nag-comment pa ngang sinadya ni Sen. Koko na gawin ‘yun, kung anong dahilan, ‘yun ang hindi natin alam.

Sa kanyang Instgram (IG) account, binigyan ng tribute ni Mylene ang mga doctor na pumanaw dahil nahawaan ng mga pasyenteng may Covid-19.

Samantala, parang matagal pa bago makapag-taping uli sina Mylene ng Afternoon Prime ng GMA-7 na Bilangin ang Bituin sa Langit  dahil tigil ang taping.

Ellen iniiwas sa chimosa ang anak

Pati mga kaibigan sa showbiz, nagustuhan ang sagot ni Ellen Adarna na “his father and i are protecting him and his privacy from chismosas like you” sa nagtanong kung bakit hindi nya pino-post ang baby boy nila ni John Lloyd Cruz.

 Si Beauty Gonzales nga, proud sa sagot ni Ellen, ganu’n din si Jackie Forster. Pero, hindi nagpapigil ang netizen na tinawag ni Ellen na “chismosa”  at itinangging chismosa siya. Pero, alam kaya ni Ellen na nakunan ng litrato ang anak nila ni John Lloyd na si Elias Modesto na kasama ng aktor sa beach at birthday daw ‘yun ni Mon Confiado na posted sa FB ni Mon?

 

MYLENE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with