Mortal sin daw...Angel nanghingi ng tawad sa pag-endorsed kay Sen. Koko last election
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 27, 2020 - 12:00am

Nakaka-praning nang manood ng TV at mag-social media. Imagine pati mga pulitiko natin hindi sumusunod sa enhanced community quarantine. Sila pa ang sumusuway at ayun, malamang nakahawa pa sila.

Tulad ni Sen. Koko Pimentel, hindi nakatiis sa 14-day quarantine kaya paano mo naman aasahan na sumunod ang iba nating mamamayan diyan.

Ganundin din si Cong. Eric Go Yap.

Ang dami nilang nakaharap na government officials dahil sa mga pinuntahan nila habang naka-quarantine.

So paano naman ‘yun? Ewww. Sabi nga ni Angel Locsin na endorser ni Sen. Koko last election. “Yes. Super. Mortal sin. Patawarin nyo po ako bilang ex husband po

sya ng pinsan ko,” sagot ng Kapamilya actress nang may mag-tweet kung nagsisisi ba siyang ikinampanya niya ito noong election.

Aminado ang senador na meron siyang symptoms pero hindi niya sinunod ang quarantine na two weeks. Eww talaga.

Bukod sa Makati Medical Center kung saan sinamahan niya ang asawang si Mrs. Kath na sana ay manganganak, nag-supermarket din si Sen. Koko sa isang high end store kaya maraming naka-quarantine na staff ang nasabing supermarket.

At ang the height, ayaw pang umamin ni Sen. Pimentel nung umpisa na na-stay siya sa hospital kaya nagbabalak daw ang MMC na ilabas ang CCTV.

Ngayon daw infected na rin ang manganganak na wife ng senador.

Anyway, kahapon ay nag-positive na rin sa COVID si Sen. Sonny Angara at si former senator na si Bongbong Marcos ay sinasabing infected din. Pero nag-negative raw ito.  Pinaka-unang nag-positive si Sen. Migz Zubiri.

Ang difference lang nina Sen. Sonny and Sen. Migz kay Sen. Coco, hindi sila sumuway sa quarantine.

ANGEL LOCSIN KOKO PIMENTEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with