Si Dr. Sally Gatchalian, na kapatid ng komedyante, ang presidente ng Philippine Pediatric Society.
Mula sa Instagram ni Ruby Rodriguez; Opisyal na website ng Philipine Pediatric Society
Ate ni Ruby Rodriguez, presidente ng Philippine Pediatric Society, patay sa COVID-19
James Relativo (Philstar.com) - March 26, 2020 - 9:55am

MANILA, Philippines — Binawian na ng buhay ang doktorang kapatid ng "Eat Bulaga!" host na si Ruby Rodriguez matapos makipaglaban sa coronavirus disease (COVID-19), kanyang pagkukumpirma sa social media, Huwebes.

Si Dr. Sally Gatchalian, na kapatid ng komedyante, ang presidente ng Philippine Pediatric Society.

"Mahal na mahal kita ate. Ikamusta mo ako kina nanay, tatay at manong Robert. Sana matahimik ka na at 'wag ka na mag-alala sa amin," sabi niya sa Instagram

"Sana maging masaya ka sa langit! Mahal na mahal kita."

Ipinaskil pa ng aktres ang litrato nila kasama ni Sally noong nakaraang Pasko, kung saan makikitang masayang-masaya ang kanilang pamilya.

Ika-21 ng Marso nang unang kumpirmahin sa publiko ni Ruby ang kondisyon ni Gatchalian, na noo'y "stable ngunit mahina."

Antabayanan ang mga detalye sa balitang ito.

NOVEL CORONAVIRUS PHILIPPINE PEDIATRIC SOCIETY RUBY RODRIGUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with