Heart sinasagot lahat ng mga nanghihingi ayuda
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2020 - 12:00am

“DM please” ang mabilis na sagot ni Heart Evangelista sa lahat nang mga nanghihingi ng tulong sa kanya sa social media.

At pag sumagot siya, ang bilis ng delivery kasi ang dami agad nagpapa-thank you sa kanya. “Kay lord galing yan no need to say thank you ,” ang reply ni Heart sa mga nagpapasalamat sa mga naipadala niyang ayuda.

At ang last tweet na sinagot niya ay tungkol sa isang lola na kakaopera lang last week dahil sa tumor sa puwet at may tuberculosis pa raw ito.

Pati nga pagkain ng aso, hinihingi sa kanya ng ibang followers niya.

Nagpadala na rin siya ng mga food for frontliners.

Separated sila ngayon ng husband niyang si Gov. Chiz Escudero. Kasalukuyang nasa Bicol ang asawa at busy sa Sorsogon bilang governor.

Elmo binura ang dinisplay na bagong GF

Binura ni Elmo Magalona ang post niya kasama ang bagong non-showbiz girlfriend.

Obviously, kinuyog siya ng basher sa nasabing post.

Ry daw ang name ng nasabing girl at naka-first anniversary na pala sila base sa deleted post ng actor.

“I feel like I need to share to everyone why I removed my post from yesterday. I should have been more considerate. I posted without telling anybody. Honestly, it was irresponsible thinking. I’d like to apologize to her, and her family for my actions and putting them in such a position. I don’t want to be taking away anybody’s privacy from them.

“To everyone reading this, please disregard what I had to share last night. Let’s just focus on what matters right now. Peace to everyone,” ang caption ng actor sa black image kahapon sa kanyang IG.

Controversial ang last relationship niya with Janella Salvador at maraming nagalit sa kanya nang ikumpisal ni Janella na sinaktan siya diumano nito physically.

Sikat na designer ng mga artista naging abala sa PPEs

Busy kahapon ang favorite designer ng mga sikat na artista na si Michael Leyva para sa mga ido-donate niyang personal protective equipments, head covers and masks para nga sa ating frontliners.

Nagkakaroon ng shortage sa PPEs kaya kahit mga plastic bag ay ginawa na nilang PPEs ng iba nating bagong bayani.

“We are one with this. #teammichaelleyva will be donating PPEs, head covers and masks for our heroes #frontliners. MABUHAY po kayo at Salamat sa dedikasyon at pagmamahal sa ating bayan ???????? This wouldn’t have been possible without my team’s dedication and willingness to help. Special thanks to @lineamoderna#bayanihan
Stay home, stay safe and we will get through this together.. God will be with us.”

Asawang manganganak ni Sen. Coco na-exposed sa COVID

Maraming nag-panic at galit na galit kahapon nang lumabas ang result na positive sa COVID-19 si Sen. Koko Pimentel.

Nag-ikot pa raw kasi ito sa Makati Medical Center kasama ang preggy wife niya sa DR (delivery room) area ng nasabing hospital kaya maraming na-exposed na mga medical staff, patients kasama na ang newborn babies. At wala raw itong face mask na gamit samantalang alam na diumano nito na covid positive siya the other night pa before pero sinamahan pa rin nito ang asawa.

Manganganak na sana si Mrs. Kath Pimentel sa kanilang first baby.

Pero agad naman itong itinanggi ni Mrs.  Pimentel kay Arnold Clavio.

“The stress test happened around 8:30pm last night in the examination room. Ako lang po mag isa dyan. Kasi sabi din nila bawal ang husband or bantay...

“I even took a picture of the examination room during my stress test. Ayan po ang room. Pano po yan magiging DR?”

Si Sen. Migz Zubiri ang unang senator na nag-positive sa coronavirus.

Naging issue na recently ang diumano’y VIP testing sa mga pulitiko samantalang ang daming dapat umanong unahin na ordinaryong pasyente.

HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with