WFH, effective sa ibang sector
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2020 - 12:00am

Ano kaya Salve at ituloy-tuloy na lang ang practice na work from home.

Iyong nagaganap ngayon na community quarantine at ang mga puwede na mula sa bahay na lang ang trabaho para mas maganda dahil nawala ang traffic, hindi ganun karami ang tao sa kalsada, iwas-stress pa dahil walang hinahabol na oras.

Kung talagang importante, saka na lang pumunta sa office kahit once a week na lang.

Dahil modern na ang technology madali na itong gawin.

Kung puwede nga pati school gawin na ring online.

Dahil sa enhanced quarantine na nangyari makikita mo na effective naman pala iyon work from home sa ibang sector at puwede na rin pala itong gawin ng skeletal force.

Better na nga siguro na pag-isipan ito at gawin permanente, siguro nga ito pa ang magiging malaking solusyon sa traffic at pollution.

Kung isang buwan nagawa natin ito, bakit hindi pa ituloy-tuloy.

Magkakaroon pa ng maraming oras ang pamilya na magsama-sama sa bahay.

Ibang mahihirap, kulang sa banat ng buto!?

My heart goes for the poor.

Pero bakit ba meron ganun kahirap na tao? Lagi pa rin akong napapatanong kung bakit sa napapanood ko sa TV napakarami natin mahirap na pamilya?

Mahirap ka ba dahil iyon ang kapalaran mo o mahirap ka dahil wala kang ginagawa para sa buhay mo?

Kasi parang sa nakikita ko sa TV iyon mga reklamo ng ilang mahirap para bang kasalanan ng lipunan iyon kahirapan nila. Ang tingin ko nga masyado nating ini-spoil ang mga mahirap dito sa atin.

May binibigay na financial help ang gobyerno iyon 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program), ngayon meron na naman silang special package na para sa urban poor.

Hindi na nga gusto ng mga taga-probinsiya pumasok as domestic helper dahil meron na silang pensiyon sa gobyerno. Samantalang meron naman mga boss na pumapayag na magkaroon ng yaya at bigyan ng oras para makapag-aral ito kung gusto.

Pero dahil nga may natatanggap na sa gobyerno hindi na gustong magtrabaho at hindi na rin ganun kasidhi ang kagustuhan mag-aral.

Kaya nga iniisip ko, bakit ka mahirap? Dahil ba hindi ka gumagawa ng paraan para makaahon ka sa pagiging mahirap? O talagang gusto mo lang maging mahirap? Nag i-enjoy ka na lang ba na bigyan ng konting grasya/tulong para mabuhay ka?

Poor ka ba dahil kasalanan ng gobyerno at minalas ka sa buhay?

Bakit iyon iba hindi naman katulad mo na umaasa lang sa bigay o tulong, bakit kahit hindi sila ganun kayaman kaya nila mabuhay ng hindi umaasa?

Puwede kaya na isipin din natin bakit ganito ang buhay natin at bakit hindi ako umaangat?

Sabi nga nasa Diyos ang awa, pero nasa atin ang gawa.

Dapat walang dirty poor, iyon kahit paano hirap nga pero hindi naman parang pulubi. Iyon kahit poor hindi ka completely umaasa sa bigay at hindi ka mareklamo pag hindi nabigyan.

WORK FROM HOME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with