Cong. Alfred nagtataka, hindi napo-post ang mga ‘positive
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2020 - 12:00am

Mas mahigpit na ngayon ang Enhanced Community Quarantine, na kahit sa amin dito sa Makati at talagang pinatutupad ang lockdown na isa lang ang puwedeng lumabas, pero schedule pa yan.

Kaya rito sa Makati ay talagang in-assure ni Mayor Abby Binay na mabigyan ng food assistance at pati sa disinfection sa bawat bahay.

Samantala, nakausap namin si Cong. Alfred Vargas sa aming programa sa DZRH nung nakaraang Martes ng gabi.

Si Alfred ang representative ng district 5 ng Quezon City at hindi raw nagkulang si Mayor Joy Belmonte sa kanilang distrito.

Sabi ni Cong. Alfred nang nakapanayam namin sa radio program namin sa DZRH; “Pagdating dito sa district 5 maganda yung nakukuha ng tao. Maganda ang nakukuha ng tao, yung tulong na dumarating sa tao.

“Nagtataka lang ako pag maganda, hindi napu-post masyado, pero pag ka-negative yun ang gustong pagdiskitahan ng tao.”

Sana i-consider naman daw nitong bashers kung gaano kalaki ang Quezon City, pero alam naman daw ng lahat kung ano ang nagawa ni Mayor Joy.

Nilitanya na rin sa amin ng kongresista ang lahat ng mga nagawa na ni Mayor Joy, gaya ng pamimigay ng health kits sa 100 indigent families, ang pag-provide ng libreng transportation at lodging sa mga health workers at government staff, ang price monitoring at anti-hoarding, at meron pa raw na-establish na hotline on COVID concerns na kung saan magda-dial lang daw ng 122, meron ng experts na sasagot sa mga gustong malaman tungkol sa nakakatakot na virus na ito.

May limang positive na sa COVID-19 sa distrito ni Cong. Alfred at mukhang maayos naman daw ang kalagayan nila sa ngayon.

Pero mahigpit na ring ipinapatupad doon ang Enchanced Community Quarantine at nakapagbigay na rin daw sila ng tulong.

Ipinaliwanag ni Cong. Alfred sa amin na bilang legislator naman siya, wala talaga siyang pondo para sa ganitong pangangailangan. Pero sa tulong ng mga kaibigan sa showbiz, mga supporters ay nakalikom siya ng mga donasyon para ipamahagi sa kanyang mga constituents sa district 5 ng QC.

Mayor Lani at Mayor Andeng Ynares nagpaliwanag sa mga hindi pa naaabutan ng tulong

May challenges din ang pamamahagi ng tulong ni Mayor Lani Mercado sa Bacoor, dahil pinu-post pa ng iba na konti lang ito. Pero sabi ni Mayor, 1st wave pa lang daw ito at marami pang kasunod. “Hindi lang po ito ang una. Initially, ginamit lang po namin iyung kung ano lang po ang available funds po namin ngayon. Iyun po muna ang ipamamahagi.

“One hundred thousand (100,000) packs po iyan, iyung kaya lang po ng aming calamity fund ay eto po muna.

“First wave pa lang po iyan. May dadating pa po na susunod. Hindi pa ho iyan ang tapos.

“Hinihintay pa po natin itong emergency powers ng atin pong pangulo. Baka matulungan ang mga local government units katulad ko na hindi naman kalakihan na kinukumpara pa nga ho kami sa ibang malalaking mga LGU,” saad ni Mayor Lani.

Sa Antipolo naman ay gustong iparating ni Mayor Andeng Ynares na maghintay lang sana ‘yung ibang hindi pa naiparating ang tulong dahil sa laki ng naturang lungsod, mahirap talagang maiparating agad-agad ang tulong.

Ang Antipolo ang isa sa pinakamalaking lungsod sa buong bansa, na merong mahigit 180 thousand families ang kailangan bigyan ng tulong.

Kaya ang pakiusap ni Mayor Andeng; “Ako ho humihingi ng pang-unawa. Humihingi po ako ng pasensya. Sana maghintay lang po.”Ang unang ipinamimigay nila ngayon ay anim na kilong bigas, apat na corned beef, sardines o kaya meat loaf at mga gamot.

ALFRED VARGAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with