Pauleen and Vic
Vic at Pauleen nag-umpisa ng Prayer Brigade
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - March 25, 2020 - 12:00am

Sinimulan ng mga Dabarkads ng Eat Bulaga ang Prayer Brigade sa Facebook fan page ng Eat Bulaga nung nakaraang Lunes, March 23.

Ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna ang unang nag-lead ng rosary.

Alas-otso ng gabi sila nagsimulang mag-live streaming na sinalihan ng iba pang Dabarkads nila at mga sumusubaybay sa kanila sa buong mundo.

Bago sila nag-rosaryo, kumanta muna ang mag-asawa ng mga religious songs at nung dumami na ang kanilang views, saka nagsimula na silang magdasal.

Sabi ni Bossing Vic nang nakapanayam ko sa radio program ko sa DZRH nung gabing iyun; “Iyun ay parang tulong na rin natin sa mga kababayan natin. Mas maganda yung sabay-sabay nagdadasal.

“Ituluy-tuloy natin to.

“Siguro kanya-kanya kami, para dere-deretso ang pagdadasal natin. Kahit papano nakakasalamuha natin  ang ating Dabarkads hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa ibang bansa.

“Nakakatuwa nga eh, sa ibang bansa. Kahit may malalaking problema sa Coronavirus, mga taga-Italy, taga-Spain. Nakakatuwa nga eh.”

Doon ko na rin nalaman na ninang pala nila sa kasal ang kapatid ni Ruby Rodriguez na si Dra. Sally Gatchalian na nasa hospital pa rin dahil dinapuan ito ng COVID-19.

Hindi napigilang maluha ni Pauleen nang nabanggit niyang patuloy pa ang pagdarasal sa ninang nilang si Dra. Sally Gatchalian.

“Araw-araw talagang kinukumusta namin si Ruby, at sa ngayon stable naman si Manang Sally. Ang BP niya, mga vitals niya are okay. But she’s fighting.

“Medyo may edad na rin si Manang Sally eh. Senior na rin ano? So, hindi ganun kadali ang laban,” pakli ni Bossing Vic.

Lagi naman daw nila kinukumusta ang ninang nila kay Ruby.   “Maganda ang chance para sa recovery.

“Hindi ko mabigyan ng percentage eh. Sa ngayon, basta dasal lang at ang Diyos na ang bahala kung ano talaga ang nararapat,” sagot sa amin ng Eat Bulaga host.

Ang nakakalungkot lang daw, kung anu-ano pa ang ipinu-post tungkol sa kanilang ninang na ikinagulat ni Ruby may mga nagku-condolence na sa kanya.

“Ang hindi lang maganda dun, ang mga…pinangungunahan ng ano eh. Na tegi na raw.

“Sabi ko nga okay yan, alam mo naman kapag natsitsismis na tegi eh lalong humahabay ang buhay no? Naranasan na rin natin yun.

“Nagulat nga si Ruby nung isang araw ba’t may mga nagku-condolence sa kanya. Sabi niya, bakit nagku-condolence na kayo eh buhay pa.

“Kumbaga, hangga’t maari iwasan natin ‘yung mga tsismis tsismis, iyung tinatawag nilang fake news. Understandable, dahil karamihan ng mga tao, walang magawa, medyo malikot ang isip.

“Kaya tayong mga mamamayan, mag-ingat din tayo sa pagtanggap ng balita. Siguraduhin nating hindi fake,” saad ni Bossing Vic.

Natuwa naman si Vic nang hiningan namin siya ng reaksyon sa mga positibong feedback sa Pasig City Mayor Vico Sotto.

“Of course, proud ako na he’s doing a good job pero sabi ko nga hindi lang naman siya pati’yung ibang mga ating namumuno sa bansa.

“Lahat sila, they’re doing a good job. Sabi ko nga mula sa ating pangulo, hanggang sa ating mga health worker, eh talagang sama-sama.

“May nadinig akong interview sa kanya, maganda ‘yung sinabi niya na dapat wala nang kumpara-kumpara. Ako, personal dapat tigilan muna ‘yung pulitika. Wala muna yung pulitikahan. Isipin na lang natin kung papano tayo makakatulong sa kapwa.

“I think he’s doing his job. Iyun ang ipinangako niya sa kanyang mga constituent na alagaan sila, and he’s doing a good job. At hindi lang siya, gusto kong bigyan din ng credit ang lahat na ating mga namumuno, mula sa ating pangulo down to the barangay kagawad, at pati sa mga health workers natin,” pahayag ni Bossing Vic.

Lani na-exposed sa may covid

Nakausap din namin sa radio program namin sa DZRH si Bacoor Mayor Lani Mercado na naka-self quarantine sa kanyang tahanan dahil na-expose pala siya sa isang taong naging positive sa COVID-19.

Kuwento sa amin ni Mayor Lani; “This morning pa habang nagpupulong tayo, I received word na I was exposed to somebody who have COVID.

“Isa sa mga Mayor namin dito sa Cavite ay nag-positive. Eh we had a meeting last Monday, so I have to subject myself to home quarantine. As in lumalabas PUM ako.”

Pero hindi dahilan ito para tumigil siya sa trabaho dahil ang rami raw talaga nilang dapat asikasuhin para sa mga pangangailangan ng mga taga-Bacoor.

“Wala naman po akong sign ng sakit, malakas naman po ako. Konting sore throat lang pero nama-manage ko naman.

“Hindi ko naman masyadong iniinda yun. Ang importante magawa ko yung dapat magawa bilang alkalde po ng Bacoor,” saad ni Mayor Lani.

Kaya pagkatapos nagpa-voluntary quarantine si Sen. Bong, si Mayor Lani naman ngayon. Kaya ang tagal na raw nilang hindi nagkikita.

 Matinding challenge nga ang pinagdadaanan nila ngayon dahil bukod sa COVID-19, may African Swine Flu pa raw sa kanila at nagkasunog pa sa kanila sa Bacoor. “Nagkaroon po kami ng African Swine Flu. Dapat po sana magkakaroon kami ng depopulation nitong nakaraang linggo pero hindi na nga natuloy dahil sa Enhanced Community Quarantine.

“So, we have to focus on COVID-19, tapos ito pang nangyaring sunog.

“Kulang na lang lunukin ko na yung bato ni Darna para magampanan ko yung ating papel. Pero rest assured ginagawa naman po natin ang lahat,” saad ni Mayor Lani.

EAT BULAGA PAULEEN LUNA VIC SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with