Namatay na doktor sa COVID, ‘ibinilin’ ang anak na may autism!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - March 24, 2020 - 12:00am

Crying while texting ako sa ‘yo Salve.

Napanood ko iyon appeal ng isang doktor na tinamaan ng coronavirus bago siya binawian ng buhay, si Dr. Gerg Macasaet.

Talagang matindi ang lungkot ko na pati asawa niya na isa ring doctor sa Manila Doctors Hospital,  tinamaan din ng covid-19.

Iyon doktora niyang wife medyo mas mild at baka maka-survive, si Dr. Greg serious agad ang condition. Alam niya na medyo maselan ang lagay niya at ang nasa isip niya ay ang asawa at anak na may autism na maiiwan niya pag may nangyari sa kanya.

Ang wish niya sana ay maging maayos ang buhay ng kanyang mag-ina pag wala na siya.

Iniisip niya ang magiging future ng kanyang anak na autistic, who will be needing special care for the rest of his life.

He was calling for help na sana may tumulong sa kanyang anak hanggang buhay ito.

Na sana iyon hindi na niya mabibigay, may tumulong.

How sad ‘di ba?

Isang doktor na tumutulong para iligtas tayo, heto at humihingi ng tulong para sa kanyang anak.

At hindi nga siya nakaligtas.

Sana sana nga ay may mga tumulong sa mag-ina ni Dr. Macasaet na sinasabing isang mahusay na anesthesiologist.

Please pray for the eternal repose of the soul of Dr. Greg at dasal ko ring gumaling ang kanyang misis na isa ring doktor.

Mama Mary help us. Tulungan mo ang mga anak mo. Keep us safe.

Sistema ng pamimigay ng tulong sa pandi, kakaiba ang style

Napanood ko sa 24 Oras iyon mga ginagawa ni Mayor Enrico Roque sa Pandi, Bulacan na pamimigay ng relief goods sa kanyang nasasakupan.

Hanga ako sa sistema nila.

Imbes na personal na tanggapin nila (residente) ang food packs mula sa local government, sinabihan sila ni Mayor Enrico na lahat nang nakatira sa apartments o compunds na maglagay na lang plastic chair ang bawat pamilya na nakatira sa labas ng kanilang gate.

So kung apat na pamilya ang nakatira sa isang compound dapat na apat na upuan din ang nakalagay sa labas ng gate nila.

Bongga ‘di ba. Kakaiba.

Maiiwasan na ang ‘contact’ mas mabilis at tahimik pa. Walang pag-uusap na mangyayari.

COVID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with