Kim
Kim ramdam na lagi pa ring kasama ang nanay na namatay
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 23, 2020 - 12:00am

Nagiging emosyonal si Kim Chiu sa tuwing naaalala ang inang pumanaw noong 2013. Pakiramdam ng aktres ay palagi pa ring nakabantay sa kanya ang ina kahit saan siya magpunta. “Actually nandiyan siya, kahit sa bahay. Kapag malungkot ako, kapag down ako, may paru-paro sa bahay lagi, laging nandiyan. Sometimes kapag nagpe-pray ako sa church, nandiyan sa tabi ko ‘yung butterfly. Siya ‘yung source of strength ko bukod sa mga kapatid ko,” emosyonal na pahayag ni Kim.

Hinding-hindi makalilimutan ng dalaga ang mga masasayang alaala nilang magkakapatid noong sa Tacloban pa sila naninirahan kasama ang ina. “Every Sunday is always a treat sa amin ng mom ko. Like kakain kami ng masarap, lechon manok. Sobrang happy kami no’n magkakapatid, lima kami,” kuwento niya.

Samantala, may mga pagkakataon daw si Kim na gusto na niyang sumuko dahil sa mga suliranin sa buhay. “Minsan may mga bagay na ayaw mong mangyari. Minsan hindi mo ma-please lahat ng tao. Minsan sa social media ‘yung mga tao, siyempre tao ka din, ‘yung nararamdaman mo, ‘yung pressure minsan. Maraming bagay Tito Boy, ayaw kong ipakita sa mga kapatid ko na umiiyak ako,” pagbabahagi ng aktres.

Malaki ang pasasalamat ni Kim sa mga kaibigang sina Angelica Panganiban at Bela Padilla na palaging nariyan para sa kanya.

Ayon kay Kim ay talagang maayos at masaya ang samahan nilang tatlo. “Kakaiba, hindi naman kami everyday magka-text, hindi naman kami every week or madalas magkita, kapag nagkita kami para kaming everyday nagkikita. Tapos kapag may nagte-text, ang haba na ng text kapag nasimulan na tapos puro tawa na,” pagtatapos ni Kim.

John nagpasalamat na naligtas sa pagputok ng bulkang Taal habang nasa shooting

Hindi nakaramdam ng pressure si John Arcilla nang mapiling gumanap bilang si Father Fernando Suarez sa biofilm nito. Personal choice pa umano ng yumaong pari na ang aktor ang magbida sa Suarez: The Healing Priest.

“Hindi ako na-pressure ever. Kasi ang naisip ko lang naman, may sinasabi sila sa akin na, ‘Kahawig mo nga si Father.’ Subjectively pwede kasing makita talaga ‘yon ng ibang tao pero ang inisip ko na lang is ‘yung essence, I work on the essence, his essence. Kung ano ‘yung naramdaman ko as demeanor niya na pwede kong maipasok at mai-incorporate ko, ipinasok ko. Hindi ko pinag-aralan ‘yung iba niyang mga actuations. Although isinasama ko minsan,” paglalahad ni John.

Ayon sa aktor ay nakapag-shooting pa sila sa may Bulkang Taal bago ito sumabog kamakailan. Malaki ang pasasalamat ni John dahil nakaligtas sila sa sakunang dulot ng malawakang pagsabog ng naturang bulkan. “Siguro nagkataon na ‘yung kanyang commitment sa kanyang project, siguro umakma do’n sa grupo, sa mga actors, producer, director. So parang blessing talaga,” nakangiting pahayag ng aktor.    (Reports from JCC)

KIM CHUI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with