^

PSN Showbiz

Kasalang Jay-R at Mica, hindi sumunod sa tradisyon

SHOWBIZ NEWS NO NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kasalang Jay-R at Mica, hindi sumunod sa tradisyon

Masayang-masaya sina Jay-R at Mica Javier sa naganap nilang kasal noong March 1 sa Boracay.

Ayon sa aktres ay kinailangan pa nilang magpahinga ng ilang araw sa isla dahil na rin sa pagod sa naging preparasyon para sa kasal. “Nag-stay kami sa Boracay ng lima pang araw after the wedding. Kasi months and weeks before no’ng kasal namin ang busy lang naming dalawa. Ang daming family events sa amin, tapos planning the wedding. Tapos ‘yung kailangan naming ayusin lalo na no’ng nag-scare sa coronavirus. So marami talagang kailangang tutukan. After the wedding, nag-relax na kami, nag-swimming na kami, kumain na kami,” nakangiting kuwento ni Mica.

May ilang mga nangyaring hindi naiwasan sa kasal ng bagong mag-asawa. Hindi rin daw traditional ang naging setup ng naturang okasyon. “Hindi nakapunta ang Kuya Alvin ko. Siya dapat ang best man ko, ang kapatid ko, hindi nakapunta dahil sa mga paperwork niya. So next in line si Ate, so naging best woman. And ‘yung entourage mixed ‘yon. So it’s like boys, girls, boys, girls. Hindi traditional na puro lalaki lang ‘yung entourage ko. Same thing kay Mica,” paglalahad ni Jay-R.

“Nag-decide kami sa entourage namin na either siblings lang or immediate family lang talaga and we wanted to honor them in that way kahit entourage lang namin. So naghalo ang mga boys and girls. Lahat ng gusto talaga naming gawin ay nagawan ng paraan and hindi siya traditional. Which is sometimes mahirap siyang i-explain kasi hindi nga typical ‘yung mga choices namin pero ‘yon ‘yung gusto namin and we were able to do that,” dagdag pa ni Mica.

Melissa ayaw magpa-lipo

Hindi na nagpapaapekto si Melissa R  icks sa mga pumupunang tumaba na siya ngayon.

Matatandaang bumigat ang timbang ng aktres mula nang nabuntis at nagkaroon ng isang anak.

“Basta masaya ako sa sarili. It doesn’t matter na lang kung ano ang sasabihin nila. Kasi ang tao may masasabi naman talaga kahit payat ka, mataba ka. They always have something to say. ‘Yung weight loss ko kasi issue talaga ‘yan ever since. Kahit na no’ng nag-artista ako sinasabi nilang tumataba ako, pero hindi naman. Pero ngayon mataba talaga ako, hahaha!” natatawang pahayag ni Melissa.

Nais ng aktres na maibalik ang dating hubog ng katawan pero talagang nahihirapan na siyang gawin ito sa ngayon. “Ang hirap kasi ng weight loss eh. ‘Oh sige today start tayo,’ okay kayo ng one week tapos after a week wala na naman. kain na naman, tapos nakakalimutan mo na naman. Ngayon naman nagta-try na rin akong mag-machine pero lahat non-invasive. Hindi ako gumagawa ng mga lipo, ayaw ko talaga ‘yon. Nerbiyosa na nga ako magpapagano’n pa ako, hindi ko kakayanin,” pagbabahagi niya.

Naging mapili na rin si Melissa sa mga pagkain at hanggang maaari ay iniiwasan na niya ang mga nakatataba. “Proper eating lang, hindi na rin ako masyadong kumakain ngayon ng mga junk foods. May rice pa rin, hindi ko ginugutom ‘yung sarili ko,” pagtatapos ng aktres.   (Reports from JCC)

vuukle comment

JAY-R

MICA JAVIER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with