^
Jimuel at mga pinsan, na-starstruck kay julia

Jimuel at mga pinsan, na-starstruck kay julia

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 20, 2020 - 12:00am

Kamakailan ay ipinakilala si Jimuel Pacquiao bilang isa sa pinakabagong talent ng Star Magic. Bilang paghahanda sa mga proyektong gagawin ay nakatakdang mag-acting workshop muna ang panganay na anak nina Manny at Jinkee Pacquiao. “Sa ngayon po, yes. Isa po ito sa mga priorities ko ngayon kaya po ako pumasok. Gusto kong mag-aral ng acting. Tapos okay naman po siya, nagustuhan ko so parang ayoko na rin pong sayangin ‘yung mga opportunities kaya po ako pumasok (sa show business),” nakangiting pahayag ni Jimuel.

Maraming mga kaibigan daw ang humikayat sa binata na subukan ang pag-aartista kaya sumabak si Jimuel sa show business. “I’ve met a couple of celebrities din. Tapos marami rin akong friends na nag-e-encourage kasi raw sayang nga po ‘yung opportunity. So parang naisip ko rin bigla na okay, why don’t I try,” kwento niya.

Katulad ng ama ay talagang nahiligan din ni Jimuel ang pagbo-boksing. Hanggang maaari ay pagsasabayin daw ng binata ang pagiging artista at boksingero. “Sa ngayon po sinusubukan kong pagsabayin both. Kaso mahirap pero I’m trying to figure out naman,” giit ni Jimuel.

Maraming mga artista na ang personal na nakita ni Jimuel pero kay Julia Barretto lamang na-starstruck ang binata. “Hindi lang ako pati na rin ‘yung mga pinsan ko (na-starstruck). We were like fans of her na,” pagtatapat niya.

Kyle, bumabawi sa pamilya

Simula nang pasukin ni Kyle Echarri ang show business ay talagang todo ang suportang ibinibigay ng pamilya nito. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ng aktor dahil sa kabila ng kasikatan ay hindi naman raw nakakasama ang ama. “Sometimes I blame myself kasi nga po my dad and my mom, they’re still together pa naman pero my dad lives in Cebu. So ever since it’s been almost five years na we don’t live in the same house. So para sa akin, I blame that on myself dahil we won’t be in Manila kung wala po akong trabaho dito. And it hurts to think na my dad can’t see his little girl (Bella, nakababatang kapatid ni Kyle) grow up,” pagbabahagi ni Kyle.

Kasama ng aktor sa Maynila ang ina at ang kapatid na si Bella. Palaging ang ina ang nakakasama ni Kyle sa mga trabahong ginagawa kaya madalas na naiiwan ang nakababatang kapatid. “With Bella, she doesn’t get to spend as much time with our mom dahil laging sumasama si Mama sa akin. But she never ever has gone mad about that. And they never made me feel like it’s my fault,” kwento ng binata.

Samantala, wala pang bagong teleserye na ginagawa si Kyle kay nagkaroon ng panahon sa pamilya at sa sarili. “Actually, recently nagpo-focus na ako sa health ko. So nag-gym na po ako and siyempre I try to make bawi to my family,” pagtatapos ng aktor.

(Reports from JCC)

JIMUEL PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with