Tirso
Tirso at Lorna nag-panic sa virus
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - March 19, 2020 - 12:00am

Ilan sa close friends ni Cristopher de Leon ay gusto na ring sanang magpa-COVID-19 test pagkatapos aminin ng aktor sa kanyang social media account na positibo siya sa naturang sakit.

Kagaya ni Tirso Cruz III, nakausap namin ang asawa niyang si Lyn Cruz at pumunta na rin daw sila ng hospital para magpa-test pero hindi naman pala sila in-allow dahil wala naman silang nararamdamang symptoms.

Nagpa-check naman daw sila gaya ng blood tests, X ray, at okay naman daw. Kaya no need na para magpa-COVID test.
Kahit nga si Lorna Tolentino ay gusto na rin sanang magpa-test pero hindi naman daw puwede dahil wala silang nararamdamang symptoms.

Two weeks ago pa nila nakasama sina Boyet at Sandy, at okay na okay naman daw nun ang aktor.
Kahit nga si Sandy na kailangan na ring magpa-quarantine ay hindi naman gaanong worried nung nakausap ko nung isang gabi.

Si Boyet lang daw ang kailangang i-confine sa hospital, pero okay naman daw ang asawa niya. “Wala naman akong nararamdaman na parang symptoms, pero magpapa-quarantine pa rin ako,” pakli ni Sandy.
Sa bahay lang daw siya magpa-self quarantine, kaya iniwan na niya si Boyet sa hospital. “Okay naman okay naman siya. Mas nakaramdam pa nga siya ng sakit sa likod niya dahil nahulog siya sa hagdanan kagabi.

“Sabi ng doktor, okay naman si Boyet, walang dapat ika-worry. Sabi nga ng doktor, mas nakakatakot pa nga raw ang Influenza,” sabi pa sa akin ni Sandy.
Hindi pa masabi nina Sandy kung saan nakuha ni Boyet ang naturang virus.

Bukod sa regular taping niya sa Love Thy Woman, may mga ilang event  siyang dinaluhan na kung saan na-expose siya sa maraming tao.

Kaya kailangan na rin sigurong mag-ingat ang mga taga-LTW at pakiramdaman kung kinakailangan na rin nilang magpa-COVID test.
Nagpapasalamat na rin si Sandy sa lahat na mga nag-alala at nagdasal para kay Boyet. “Sinabi ko na sa kanya na huwag nang itago eh. Ilabas na niya agad, para malaman na rin ng lahat at kahit paano mai-share niya sa lahat itong na-experience niya,” dagdag na pahayag ni Sandy.

GMA magbabayad ng swueldo hanggang april

Nakatanggap na rin ako ng pahayag mula sa GMA 7 na kahit tigil muna ang trabaho sa taping, pati sa live shows, ibibigay nila ang suweldo ng lahat ng artists at production teams hanggang sa buwan ng Abril.   

“With the COVID-19 situation, we are after not only the safety and well-being of our artists, talents, and employees but also the economic impact this will have on our production staff and crew as well as their families.”
Bukod pa diyan, may hazard pay rin daw ang mga empleyadong pumapasok during enhanced community quarantine. At dagdag pa raw ang encashment ng monthly rice benefit.

TIRSO CRUZ III
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with