^
Pagsusuot ng mask requirement na rin sa bangko!

Pagsusuot ng mask requirement na rin sa bangko!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - March 17, 2020 - 12:00am

Natawa ako nang mag-text sa akin ang Metrobank na pag nagpunta ka sa bank kailangan naka face mask ka.

Imagine na requirement na ngayon ang magsuot ng mask dahil sa coronavirus.

Natatawa pa naman ako pag nagpupunta tayo sa Korea na halos lahat naka-mask at nakakairita pa na ang daming nagtitinda nito sa sidewalk. Sayang, sana pala bumili tayo ng marami dahil cute pa naman mga design nito at meron pang mga photo ng mga fave oppa.

Kaloka talaga na dapat sarado ang mga lugar ng non-essentials dahil nga baka sa mga pupuntang customers ay may mapuruhan pa at magkalat ng virus.

At least tipid make-up mga babae ngayon dahil nakatakip ang halos kalahati ng mukha.

Wala nang kikitain mga make up artist. Kawawa naman sila Cris, Kylie at Maya, wah na sila tip. Heh heh.

Nightmare...

Ang takot na saan kukuha ng pera ang mawawalan ng kita sa isang buwan no work order ang nightmare sa tao.

How will you survive the one month na gastos kung sakali? Pero siguro naman kung iisipin mo iyon longtime effect nito, baka nga ito ang makahinto ng pagkalat ng virus, puwede mo na sigurong tiisin ang isang buwan na sakripisyo.

Sabi ko nga pag first class citizen ka, smile lang, pag middle class, endure, pag low class ka, cry ka na lang. Iyan lang ang puwede mong gawin ngayon, endure the hardship and cry silently dahil wala kang magagawa.

Pati iyon sinasabi na basta puno ka ng bitamina, ‘di ka tatalaban pera parin ang problema. Ano ang pambili mo ng vitamins? Saan puwedeng kumuha ng libre?

Naku corona noh, alis ka na please. Huwag mag overstay, bawal.

MASK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with