_ngayon
^

PSN Showbiz

Mga bulaklak sana sa kasal nina Richard at Sarah, pinadala sa mga hospital!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Mga bulaklak sana sa kasal nina Richard at Sarah, pinadala sa mga hospital!

Naka-post sa Instagram (IG) ni Gideon Hermosa ang ilang photos sa civil wedding nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati noong March 14. Si Gideon ang in-demand na Celebrity Event Specialist  at Florist na nasa likod ng napakagandang kasal ng dalawa na mula sa wedding ceremony hanggang sa reception, ang ganda ng ayos ng dalawang venues.

Nabanggit ni Sarah ang, “due to postponement of the celebration, these beautiful flowers from @teddymanuel will be sent to different hospitals/charities . thank you, Teddy. Bless your heart.”

May litrato rin na nakaayos na ang flowers na ibibigay sa different hospitals/charities dahil sabi ni Teddy  Manuel, “doctors, patients and health workers need some TLC too.”

Sabi pala ni Sarah sa mga bumati sa kanila ni Richard, “wish i could reply to each and everyone of you and hug you. thank you for the well wishers. sending love and light to all of you. let’s spend time with our families and pray this will all be over soon.”

Magkapatid na showbiz, tuloy ang away

Hindi pa rin pala nagkaayos ang celebrity siblings na ito, kaya kapag may okasyon sa kanilang pamilya, gaya ng birthday o death anniversary,  hindi sila puwedeng sabay na dumalo. Kapag nagkasabay dumalo ang magkapatid, hindi man mag-away, siguradong magdededmahan, kaya ang ibang miyembro ng kanilang pamilya ang naiilang.

Kamakailan, the family commemorated the death anniversary of a family member, pero ang isa lang sa magkapatid at ang pamil­ya nito ang dumating. Absent ang isa pang kapatid at ang pamilya nito at ibang araw na siguro bumisita sa tomb ng family member. Inalala naman ng aktres ang pumanaw na member ng kanyang pamilya sa kanyang socmed account.

Matagal na ang conflict ng magkapatid na in fairness, hindi malinaw sa mga taga-showbis kung ano ang pinagmulan. Masyado sigurong malalim ang conflict ng magkapatid kaya inabot na ang taon ay hindi pa rin nagkakaayos.

Bela umaming binili ang suot na ‘wedding ring’

Sinagot ni Bela Padilla ang comment ng isang netizen na “is there really a need to showcase the bag?” dahil sa photo na pinost ni Bela nakita ang “Prada” sa shoulder bag na suot.

Sagot ni Bela, “none at all... but, I mean... I was wearing it over my shoulder and when you put your arms the way I did, it does usually swing to the back...”

Actually, hindi na kailangang sumagot ni Bela dahil to the rescue sa kanya ang kanyang followers. Wala raw pakialam ang netizen halimbawang sinadya man o hindi ni Bela na ipakita ang brand ng kanyang bag.

May pumansin din sa suot na parang engagement ring ni Bela and she was congratulated, pero binasag siya ni Bela. Sabi nito, ipinagawa niya ang ring sa Dandy Ona Jewelry noon pang 2018, kaya kung may iko-congratulate man, siya ‘yun.

Anyway, natapos na nina Bela at Korean actor na si Kim Gun Woo ang shooting ng Viva Films at Reality Entertainment movie na Ultimate Oppa, pero dahil sa COVID-19, mauurong ang playdate nito. Nag-shooting at mara­ming eksena ang kinunan sa Korea at 10 days naman nag-shooting dito sina Bela at Kim Gun Woo.

RICHARD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with