Naka-set sa P1,000,000 ang target amount ng website, bagay na gustong mahigitan ni Bela.
Mula sa Instagram account ni Bela Padilla
Bela Padilla lumilikom ng P1M para sa vendors na walang kita habang 'quarantine'
James Relativo (Philstar.com) - March 16, 2020 - 7:01pm

MANILA, Philippines — Nangangalap ngayon ng tulong pinansyal ang aktres at host na si Bela Padilla para sa mga kapos-palad na apektado ng kasalukuyang "enhanced community quarantine" na ipinatutupad sa buong Luzon bilang tugon sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa kanyang Twitter account, Lunes, ibinahagi ni Bela ang isang GoGetFunding link para mag-crowdfund para sa mga manlalakong hindi makakabenta ngayong naghihigpit ang gobyerno sa paglalakbay at paglabas ng bahay.

"Tulungan [niyo akong] i-share ang link na ito at subukan nating lampasan ang target sa loob ng isang linggo dahil apektado ang mga manggagawa natin ngayon. Salamat," sabi niya sa Inggles.

"Twitter, paganahin natin ang magic mo."

Naka-set sa P1,000,000 ang target amount ng website, bagay na gustong mahigitan ni Bela. Kasalukuyang nasa P207,215 na ang nagdo-donate habang sinusulat ang balitang ito. 

Nasa 15 araw na lang ang nalalabi para magbigay ng pera. Kahit ba P1.00 ay tatanggapin bulang donasyon online.

Linggo nang maging epektibo ang idineklarang Metro Manila community quarantine ni Pangulong Rodrigo Duterte, na naglilimita sa paglabas-masok sa National Capital Region.

Idineklara naman ngayong araw ang Luzon-wide community quarantine, na magsususpinde sa lahat ng transportasyon at nag-uutos sa "striktong home quarantine" para sa mga residente ng pulo.

"Sa panahong ito ng 'di maiiwasang pandemic, maraming Pilipino ang hindi makakaasa sa kanilang normal na pinagkakakitaan," dagdag ng aktres.

"'Yung paborito nating nagbebenta ng taho, sorbetes at bananaque hindi sila makakalikom ng sapat na pera para sa pagkain ng pamilya."

Balak hatiin ni Bela ang pera sa 16 para sa 16 Metro Manila cities na unang tinamaan ng quarantine.

Tiniyak din ng anak ng pinsan ni Robin Padilla na mapupunta sa tamang mga tao ang perang makokolekta.

Kasalukuyang nasa 140 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas simula nang unang makapasok ang virus sa bansa, ayon sa Department of Health.

Bagama't 12 na ang namamatay sa sakit sa bansa, dalawa na ang gumaling.

BELA PADILLA CROWDFUNDING NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with