^

PSN Showbiz

Bagong show ni Vice apektado ng virus

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Bagong show ni Vice apektado ng virus
Vice

Hindi na muna tuloy ang airing ng bagong programa ni Vice Ganda na kapalit sana ng Gandang Gabi Vice (GGV). Mismong ang TV host ang nagbalita nito dahil na rin nga matinding epekto ng pagkalat ng coronavirus. “Dahil sa kasalukuyang isyu na kinakaharap ng publiko dulot ng COVID-19, nagdesisyon ang team ng “Everybody Sing!” na i-ere ang pilot episode ng palabas sa ibang petsa.

“Bagama’t nais naming makapaghatid ng masayang programa sa aming manonood, prayoridad namin ang kalusugan at kaligtasan ng aming mga contestant, artist, at production team.

“Maraming salamat sa inyong pag-unawa at suporta, Kapamilya. – #LigtasPilipinas,” ang post ni Vice sa kanyang social media account kahapon.

Nag-last episode na last Sunday ang Gandang Gabi Vice.

Naka-community quarantine na ang buong Metro Manila dahil sa COVID-19.

 

 

VICE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with